Estudyante Na Hindi Mai-treat Ng Kanyang Ama Sa Kanyang Graduation Nagbigay Ng Isang Nakaka-touch Na Mensahe Sa Ama


Ang graduation ang pinaka-hihintay na araw ng isang estudyante. Para sa isang magulang, ito rin ay isang mahalagang araw dahil nagbunga na rin ang kanilang paghihirap upang mapag-aral lamang ang kanilang anak. 

Dahil ito ay isang espesyal na araw, karamihan sa mga nag-graduate ay nagkakaroon ng salu-salo o di kaya ay kakain sa labas upang icelebrate ang tagumpay ng isang estudyante. Ngunit para sa mag-amang ito, hindi man sila nakapag-celebrate ay pinaantig naman nila ang puso ng mga netizens.

Ang senior high school student na si Ryan Russel Reyes ay nakapagtapos ng pag-aaral at bunga ng kanyang pagsisikap kaya siya rin ay nakatanggap ng mga award at honors. Ngunit noong araw ng kanyang graduation, ay tila nadurog ang puso niya nang sabihin ng pabulong ito sa kanya ng kanyang ama.

"Nak, pasesnya na wala pa ako pera eh. kain sana tayo sa labas, kahit Jollibee lang sana."

Kwento ni Ryan na hindi pa nag-uumpisa ang lahat pero ang mga salitang ito ay kumurot na sa kanyang puso at pinilit niyang itago ang kanyang mga luha na gustong bumagsak mula sa kanyang mga mata. 


Hangad ng kanyang ama na mailibre sana niya ang kanyang anak dahil sa mga natanggap nitong karangalan ngunit dahil kapos sa pera ay pasensya na lamang ang natanggap niya. 

Naramdaman ni Ryan sa mga oras na iyon ang mga sakripisyong ginawa ng kanyang amang drayber para lamang maitaguyod ang kanyang pag-aaral. 

"Ramdam ko ang bawat pagod at mga gabing wala kang tulog. Alam ko yung bawat pinagdaanan mo para lang mabigay yung buhay na alam mong komportable at makakabuti sakin. 

Alam kong sa bawat ikot mo ng manubela paka kanan at pa kaliwa, tanging kinabukasan ko ang iyong prayoridad.

At alam kong sa simula palang salat na tayo sa buhay, kaya ginagawa ko to lahat PARA SAYO, PAPA!!"

Hindi man mai-treat sa labas si Ryan ng kanyang ama ngunit laking pasasalamat pa rin nito sa kanya.

"MARAMING SALAMAT PAPA, Sa walang sawang pagbabanat ng buto sa araw araw para lang mabigay lahat ng pangangailangan ko.

Alam ko at naiintindihan kong sa ngayon ay hindi mo ako mapapakain sa mamahaling restaurant or kahit fast food chain man lang after graduation.  Wag kang mag alala papa, PRESENSYA AT PAGMAMAHAL MO PALANG BUSOG NA BUSOG NA AKO."

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!