Guro Na Niyayakap Ang Mga Estudyante Bilang Pagbati Sa Pagpasok Sa Eskwela, Hinangaan At Pinuri



Ang pagbati sa mga nakakatanda lalo na sa ating mga guro kapag papasok sa paaralan ay isang paraan ng pagpapakita ng respeto.

Ang nakasanayan na ng mga estudyante na kapag papasok sila sa eskwela at magsisimula na ang klase ay babatiin nila ang kanilang guro ng  tradisyunal na "Good Morning Teacher" o di kaya ay "Good Afternoon Ma'am/Sir."

Para sa mga bata, tila baga automatic na ito dahil ito ang turo sa kanila. Ngunit ang isang Grade V teacher ng Arangkada Bawinges Bawing Elementary School sa General Santos City ay mayroong espesyal na pag-welcome sa kanyang mga estudyanteng pumapasok sa paaralan.

Makikita na ang guro na kinilala bilang si Delane Fernz Celeste ay binabati isa-isa ang kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng fist bump, high five at pagyakap.

Sa kanyang caption na isinulat ay sinabi niya na,

"Develop a passion in learning. If you do, you will never cease to grow. It's more fun in Grade V-Celeste at Arangkada Bawinges Bawing Elementary School, General Santos City. 

Ang naturang guro ay may kakaibang pakulo na bago para sa kanyang mga estudyante na ang bawat isa ay makikitang masaya at excited na batiin ng kanilang teacher. Sa gilid ng pintuan ay makikita ang mga signs na fist bump, high five, at hug.

Bawat papasok na estudyante sa classroom ay pipili ng sign na gusto nilang gawin ng kanilang guro. Halimbawa kapag tinapik nila ang picture na "yakap" ay yayakapin sila ng kanilang teacher na sumasalubong sa labas ng pintuan. Kapag high five naman, ay makikipag high five ang guro sa kanila.

Karamihan sa mga bata ay pinili ang "hug" na tila nais nilang mayakap ang kanilang guro bago magsimula ang kanilang klase. Pumangalawa naman ang "apir" o high five.

Nagbigay naman ito ng good vibes sa mga netizen sa social media lalo nang makita nila ang nakaka-touch na moment na pagyakap ng mga bata sa kanilang pangalawang ina. Narito ang kanilang mga komento.

"Ang cute nung hug. Especially for those kinds na medyo kulang sa lambing mula sa pamilya."

"Wow pang good vibes early morning sa students and good mood sila sa klase."

"Good strategy na ni maam for welcoming her students everyday tuloy excited ang anak ko papasok. good job maam."

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso