Guro Nagtuturo Sa Isang Balsa Habang Tinatawid Ng Kanilang Floating School Ang Ilog


Kahanga-hanga talaga ang mga guro sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo. Kahit na gaano pa man kahirap ang sitwasyon, kung ang nais talaga nila ay maturuan ang mga bata upang sumulat at magbasa ay kanila itong pagpupursigihan. 

Isang masipag na guro na taga Sorsogon ang hinangaan ng mga netizens dahil sa kanyang effort upang maturuan ang mga 'out of school youth' o ang mga batang hindi nakakaasok sa paaralan.

Kinilala ang guro na si Ryan Habitan Homan, isa ring punungguro sa San Jose Elementary School sa Donsol, Sorsogon. At hindi lamang basta-basta sa isang regular na silid aralan siya nagtuturo ng mga bata na makapagsulat at makapagbasa, kundi sa isang balsa na palutang lutang sa tubig.

Binibigyan ni Homan ang mga batang kapuspalad ng opurtunidad upang sila ay matuto. Tinawag niya ang kanyang programa na "Balsa-basa Program." Dahil bukod sa silid-aralan na ang kayang balsa at isa rin itong mini library. 

Sinimulan niya ang kanyang programang ito dahil karamihan sa mga bata sa Donsol ay hindi nakakapasok sa eskwela lalo na't naninirahan sila sa mga liblib na lugar at malayo sa paaralan. 

Ang isa pang dahilan ay dahil ang iba ay wala ring sapat na pera upang papag-aralin ang kanilang mga anak kaya nahihinto ang mga ito sa pag-aaral. At na-oobliga na magtrabaho na lamang na kahit sa murang edad upang maitaguyod lang ang pang araw-araw na buhay ng kanilang pamilya. 

Para matulungan ang mga batang ito at mapaunlad ang kanilang kaalaman kaya niya tina-tyagang baybayin ang ilog upang makapagbigay lamang ng mga leksyon. Iniisa-isa niya ang mga bahay sa Donsol na may mga batang hindi nakakapasok sa paaralan. 

Ang nakakatuwa pa, bukod sa libreng aral na kanyang ibinibigay ay mayroong pang libreng pagkain ang mga ito habang sila ay sakay ng balsa. Ang kanyang mga kagamitan ay improvised rin tulad ng paggamit ng mga lumang kalendaryo at manila paper. 

Ngunit noong nasimulang natuklasan ng mga netizens ang kanyang programa, ay marami ang mga nagdonate ng mga libro at kagamitan pang eskwela.

Hinihikayat niya rin ang bawat magulang na payagan ang kanilang mga anak na hayaang makapag-aral at matuto ng libre habang mayrong pagkakataon. 

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya