High School Sweethearts Na Ngayon Ay Nagkatuluyan Ibinalik Sa Kanila Ng Kanilang Guro Ang Nakumpiskang Love Letter Noon



Isa sa mga masasayang taon bilang buhay estudyante ang high school. Dito kasi nagsisimulang mag-mature ang isang bata at dadaan sa puberty stage na kung saan magkakaroon na ng mga crushes, attractions, at puppy love. 

Hindi man dapat ito ang pokus ng isang high school student ngunit hindi maiiwasan na dadaan sila sa ganitong stage dahil parte ito ng kanilang pagbibinta o pagdadalaga. Dito rin sa stage na ito maaaring magsimula ang pagliligawan.

Ang high school sweethearts na ito makalipas ang ilang taon ay sila rin pala ang magkakatuluyan. At sa mismong araw ng kanilang kasal ay inimbitahan rin nila ang kanilang dating naging guro noong high school.

Kadalasan sa mga kasal ay inaanyayahan ang mga espesyal na tao sa kanilang buhay na magbigay ng speech tungkol sa bagong kasal. Dito ay ibinabahagi nila ang mga espesyal na moments tungkol sa newly wed, kung paano sila nagkakilala, nagkamabutihan, hanggang maging opisyal na couple.

At isa sa mga naanyayahang magbigay ng speech sa bagong kasal na ito ay ang kanilang dating high school teacher.

Noong high school pa lamang ay nahuli na ang dalawa ng kanilang teacher na nagpapalitan ng love letters sa klase. Kaya naman upang maiwasang mapariwa ang pag-aaral ay kinumpiska niya ang sulat ng kanyang estudyante. 

Ngunit makalipas ang ilang taon, sa mismong araw ng kasal ng dalawa ay nasorpresa sila sa regalong hatid ng kanilang guro. Ang love letter nila noon na nakumpiska ay muling naibalik sa kanila.

Hindi makapaniwala ang couple na sa tagal ng panahon na ang nakalipas ay naitago pa ito ng kanilang guro at muli pang naibalik sa kanila.

Bahagi ng guro,

"I confiscated your love letter when you were still in secondary school. I actually wanted to return it to you after graduation. Unfortunately, I may have been a little late in 'delivering' the letter."

Samantala, na-touched rin ang mga netizens sa ginawang gesture ng guro.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya