Isang Ama, Nagbebenta ng Banana Cakes sa Kalsada Upang Makaipon ng Pera at Ito ang Dahilan








Isang ama ang nag trending sa social media dahil sa pag bebenta ng banana cakes upang makalipon ng 1.6 million para mapagamot ang kanyang anak. Ang Facebook page na LITRO Babies Philippines, Inc ay nag bahagi ng larawan ng isang ama na karga karga ang kanyang anak habang nag bebenta ng banana cakes.

Si Jenny Sumalpong ang kumuha ng litratong ito at sinabi nito sa kaniyang caption na ito ay wumasak sa kaniyang puso. Ang makita ang isang ama na nagbebenta ng banana cakes upang makalikom ng pera sa pagpapagamot ng kaniyang anak. Tunay ngang ito ay pagmamahal ng isang ama para sa kaniyang anak. 








Hinikayat din ni Jenny ang mga netizens na i-share ang kanyang post para maka abot ito sa madaming tao na gustong tumulong sa ama at sa kaniyang anak. Ayon sa kaniya sana daw ay bumili at tumangkilik ang iba pang mga tao na maaring makakita ng post na ito at sana ay ibahagi din ito sa iba upang kumalat ito sa buong social media. 

Sa kanyang caption, nabanggit din niya ang contact details para sa mga taong gustong mag donate. Sa katunayan, naipalabas ang kwento ni baby Aqui at ng kanyang ama noong March 17 na episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Nag post din ang KMJS Facebook page at sinabing may isang ama ang kumakatok sa ating mga puso. Nag bebenta siya ng banana cake sa gilid na kalsada bitbit ang kanyang anak. Kailangan niyang makalikom ng 1.6 milyong piso para kay baby Aki na nangangailangan ng ating tulong. Ngayong kalaban nila ang oras, malilikom kaya niya ang kinakailangan niyang halaga? Ibahagi sana lalo ang post na ito sa social media.

Comments

  1. Sana ay may makatuling sa knya na mga n.g.o para mapagamot nya ang anak nya, kawawa naman ang mag anang ito, nakaka durog po ng puso pag nakakita ka ng ganito

    ReplyDelete
  2. Sana ay may makatuling sa knya na mga n.g.o para mapagamot nya ang anak nya, kawawa naman ang mag anang ito, nakaka durog po ng puso pag nakakita ka ng ganito

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso