Isang Netizen Nagbigay Ng Challenge Sa Mga Tao Na Iligpit Ang Mga Pinagkainan Sa Mga Kainan Sa Labas



Nakasanayan ng ng mga Pinoy na pagkatapos kumain sa labas o sa mga fastfood ay iniiwan na lamang ang mga pinagkainan kung paano sila natapos. Hindi nakasanayan na iligpit man lang ang mga pinagkainan, dahil sa pagkakaalam naman natin na mayroon namang ibang gagawa nito para sa atin. 

Kaya naman ito ang nagudyok sa isang netizen upang hamunin ang mga taong kumakain sa mga fastfoods upang ligpitin ang mga plato, baso at kubyertos pagkatapos nilang kumain.

Ibinahagi ito ng netizen na si Junery Ace Villa sa kanyang social media account kasama ang mga pinggan at basong nakaaayos ng mabuti matapos nilang kumain sa labas. 

Saad niya sa kanyang caption ay,

"Practice doing this whenever you will eat outside and you will surely bring smile on the crew's face."

Sa katunayan hindi naman ito mahirap gawin dahil kung sa bahay ay inililigpit natin ang ating mga pinagkainan, siguro naman ay magagawa rin natin ito kapag tayo ay nasa labas. 

Hindi lamang kasi ito maganda sa paningin kundi makakatulong pa tayo sa mga crew na nagseserbisyo sa atin. Dahil hindi lang naman ang pagliligpit at paglilinis ng mesa ang kanilang ginagawa kundi bukod doon ay mayroon pa silang ibang ginagawang trabaho. 



Samantala, sumang-ayon naman ang mga netizens tungkol sa post na ito ni Villa. Marami rin ang nagsabi na susubukam at gagawin nila ito sa susunod na kakain sila sa labas. Nakakatuwa naman dahil mayroon din palang ibang tao na matagal ng ginagawa ito bago pa man magviral ang post na ito ni Villa.

Narito ang ilang mga komento ng mga netizens:

"True. I always do this. Maliit na bagay pero help na to sa kanila."

"Must be like that mga kabayan, same like in abroad they do that after eating."

"That's right hindi porket yung trabaho nila is magligpit ng pinagkainan natin eh hahayaan nalang natin na hindi ayusin."

"Ganito dapat!"

"Sa Pilipinas lang naman yung mga kumakain na basta iwan na lang yung pinagkainan."

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya