Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba



Ang bawat magkasintahan sa isang relasyon ay may kanya-kanyang pakulo lalo na pag sapit ng kaarawan ng kanilang minamahal. Mayroong mga nagde-date, nagbibigay ng mga bulaklak o di kaya ay sinosorpresa ang kanilang bf/gf.

Ngunit para sa isang lalaking ito na kinilala bilang si Ken Wong ay tila naging mapait at masalimuot ang sinapit niya sa kaarawan ng kanyang mismong girlfriend.

Ang romantikong lalaki ay nais sana niyang surpresahin ang kanyang kasintahan noong kaarawan nito. Ngunit imbes na ang masorpresa ay ang kanyang girlfriend ay mas nasorpresa siya sa kanyang nakita.


Upang mas maging exciting sana ay hindi ipinaalam ni Wong na pupuntahan niya ang kanyang nobya sa condo nito. 

Dala-dala ang mga regalo at bulaklak ay nagpark na siya sa parking space sa may condo ng babae. Ngunit ilang hakbang kung saan siya nakaparada ay nakita niya ang isang lalaki at babae na mahigpit na mahigpit na magkayakap. 

Kitang kita niya na buhat buhat pa ng lalaki ang babae na tila sobrang excited makita ang isa't isa. At ang masakit nito ay ang babaeng iyon ay ang kanyang mismong girlfriend. 

Nang ma-witness niya ang pangyayaring ito ay tila madudurog ang kanyang puso. Nais man sana niyang lapitan ang dalawa at komprontahin ngunit ang nagawa na lamang niya ay nagpicture siya  hawak ang mga bulaklak na kanyang ibibigay sana habang sila ang nasa background na nagyayakapan.

Tila mangiyak-ngiyak ang lalaki habang pinapanuod ang eksena. Ngunit nagawa pa rin niyang ngumiti sa kabila ng lahat.

Ibinahagi niya ang pangyayaring ito sa kanyang social media account sa pamamagitan ng isang post:

"Today is my girlfriend's birthday. so I thought of giving her a surprise. I didn't expect to see this scene."

Maraming netizens naman ang naawa sa lalaki dahil nakakarelate sila sa naramdamang panloloko na ginawa sa kanya ng kanyang girlfriend. Ngunit mayroong nagsabi na hayaan na lamang niya ito at mayroong pang ibang babae na mas deserving para sa kanyang pagmamahal. 


Comments

  1. lucky you bago pa mahuli ang lahat nalaman mo kung anong klaseng babae sya

    ReplyDelete
  2. Nangyayari tlga yan para bigyangdaan ang ma's karapat dapat ,,sa pagmamahal mo

    ReplyDelete
  3. Buti at Maaga PA lng ay nalaman nya na Di deserve ang babae sa pagmamahal na binibigay nya..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso