Kinaaliwan Ang Isang Netizen Na Nag-iwan Ng Susi Ng Bahay Sa Kanilang Alagang Aso



Karamihan sa mga pamilya Pilipino ay nag-aalaga ng mga aso upang mayroong silang taga-bantay ng bahay. Kaya nga rin namang tinawag silang "man's bestfriend" ay dahil bukod sa malambing na ang mga ito sa kanilang amo ay mabibigyan ka pa nila ng companionship. 

Ang netizen na si Marie Jhoanna ay nagbahagi ng isang larawan ng kanilang aso na tila kinaaliwan ng mga netizens.

Ibinahagi niya ito sa isang page na "Dogs and Puppies Philippines" na kung saan ipinakita niya ang ideyang ginawa ng kanyang pinsan. Kasama ng mga larawan ay naglagay siya ng caption na, "Yung ang taba ng utak ng pinsan ko..."

Nakita kasi niya na nag-iwan ng mensahe ang kanyang pinsan na nakasulat sa isang papel at inipit ito sa pintuan. At nakalagay sa sulat, "Yung susi na kay Butter."

Makikita na ang kanilang kulay light brown na aso na tinatawag nilang Butter ang may hawak ng susi ng kanilang bahay. 

Tila umalis ng bahay ang pinsan ni Jhoanna at naisipang isabit na lamang sa dog collar ng aso ang susi ng bahay upang kung sakaling may ibang taong mag-tangkang kunin ito ay ang kanilang aso muna ang kanilang makakaharap. 

Samantala, umani ito ng nakakatuwang reaksyon sa mga netizens at ilan ang nagsabi na masubukan nga nila ang ideya ito dahil napakahusay. 

Ngunit may ilan na nagtataka na paano na lamang daw kapag lumabas ang aso nilang si Butter. O di kaya ay may ibang tao na nagbalak ng masama sa kanilang aso para makuha ang susi. 

Sinagot naman ito ni Jhoanna at sinabi na saglit lang naman daw iniwan ng kanyang pinsan ang susi. Dahil kung pang matagalan ay hindi naman nila gagawin iyon. 

Narito ang ilang nakakaaliw na komento ng mga netizens:

"Astig naman po. Para wala makapasok na magnanakaw. Kaya naisipan kay butter nalang ilagay. Good job!"

"Pwede... thanks nagka idea ako... lalo na kahol palang ng aso ko takot na sila."

"Kami din dun namin iniiwan sa kulungan ng aso naming matapang."

"Hahaha hindi pwede sa aso ko yan baka siya pa maghatid dun sa kahit sino na papasok."

"Malabong may kumuhang iba diyan."

Comments

Popular posts from this blog

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila