Korona o Toga? Parehong Nakamit Ng Babaeng Ito Ang Pagiging Beauty Queen At Pagtatapos Bilang Isang Teacher



Ang pag-iisip ng karamihan, hindi madaling pagsabayin ang dalawang bagay. Lalo na't kapag ang pinag-uusapan ay pag-aaral. Ang edukasyon ay importante, ngunit hindi ibig sabihin nito na ito ang magiging hadlang upang hindi mo na gawin ang mga bagay-bagay na nagpapasaya sayo.

Isang babae ang nagpatunay na hindi imposibleng pagsabayin ang pag-aaral at pagsali sa mga beauty contests. Ibinahagi ng netizen na kinilala bilang Nikki San Diego Lejano na marami ang naging tutol sa kanyang pagsali sa mga beauty pageants dahil maaari itong maka-apekto sa kanyang pag-aaral. 

Umabot siya sa punto na pinapili siya kung korona ba o toga. At sinasabi na unahin muna daw niya dapat ang kanyang pag-aaral.

Saad niya sa kanyang post,

"Pageant o Aral?
Puro ka nalang ganda, nag-aaral ka pa ba?
Alam kong sumasali ka ng pageant pero dapat mas focus ka sa pag-aaral mo.
Ano ba talagang gusto mo? Bawal sa teacher yan.
Korona o toga?"

Marahil ito ang mga ibinabatong tanong sa kanya noon. Ngunit nang pinapapili siya kung ano ang gusto niya, pareho niyang pinili ang pag-aaral at pagiging beauty queen.

"Pinili ko ang korona at toga! If someone asks you to choose between Passion or Career. Always answer "I can do both." Gawin mong career ang passion mo! Huwag mong hayaang alisin ka ng mga taong hindi naniniwala sa kakayahan mo sa daang tinatahak mo."

Ibinahagi ni Lejano ang tagumpay na kanyang naabot kahit na pinagsabay niya ang dalawang bagay na nais niyang makamit. Makikita sa mga graduation photos niya na suot ang toga at mga koronang napanalunan niya sa pagsali sa mga beauty contests. 

Agaw pansin din ang white-board niya na may caption na, "Magpa-pageant pero gagraduate!" 

Si Lejano ay nakapag-uwi ng 5 korona sa loob ng 4 na taon. At ngayon ay nakapagtapos na rin siya sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo ng Bachelor of Secondary Education Major in Physical Science. 

Ayon nga sa kasabihan, walang imposible sa taong determinado at may pangarap sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!