Labis Na Ikinalungkot Ng Isang Customer Ang Inilagay Na "Label" Sa Kanya Sa Kanilang Resibo



Karapatan ng bawat tao ang igalang at irespeto kahit na ano pa man ang lahi, kasarian, relihiyon, kultura, etc. At bilang isang paying customer, mayroon kang karapatan na galangin ka ng mga taong nagseserbisyo sayo. 

Ngunit ang isang customer na ito ay nakaranas ng pagkabwisit at pagkalungkot dahil sa label na inilagay sa kanya sa kanilang resibo sa isang kainan. 

Ibinahagi ng netizen na si Kayecie Correa Sia ang kanyang saloobin at nakakalungkot na karanasan sa isang kainan matapos siyang i-label na 'b^kla' sa kanilang resibo,

Kwento niya na maayos naman silang nakipag-usap at umorder sa staff ngunit ganoon na lamang pala ang tingin sa kanila.

Nang magbabayad na sila at ibinigay ang resibo, nakita niya ang isinulat sa resibo na "LABAS" na maaaring ibig sabihin na nasa labas ang table na kanilang kinauupuan. Ngunit ang sumunod na salita nito ang talagang kanyang ikinasama ng loob. 

Saad niya sa kanyang post,

"Hindi ko alam bakit may mga kainan na ganto sa Pinas. Umorder ka naman ng maayos nakipag-usap naman sa kanila ng maayos tapos ganun ang ilalagay sa resibo. Kaya pala nag tatawanan sila habang umoorder kaming mag kakaibigan. Nakakalungkot o nakaka bwusit isipin na bakit marami pa din mga taong ganto sa tulad namin. Nag bayad umorder ng maayos ultimo sa resibo hindi pa din kami ginagalang at may pangalan binigay ang magulang namin para isulat sa resibo na B^KLA talaga. Wala ba silang naging kaklase na b^kla, kapitbahay na b^kla o sa pamilya nila na b^kla. O baka Diyos na lang bahala sa kanila na mag ka anak din sila ng tulad namin mga b^kla."

Pakiramdam ng customer na hindi sila ginalang at nirespeto dahil sa kanilang kasarian at tila pinagtatawanan pa sila. 

Maaari naman sanang itinanong nalang sana ng staff kung ano ang kanyang pangalan para yoon na lamang sana ang isinulat sa resibo kaysa na nagbigay sila ng label na nakaka-insulto para sa isang customer na maayos namang nakipag transaksyon sa establisyemento. 

Saad ni Kayecie na hindi pa rin siya makapaniwala na mayroong pa ring mga taong hindi nakakatanggap sa kanilang kasarian. At nagtataka kung hanggang ganito na lamang ba ang tingin sa kanila. 

Samantala, maraming netizens naman ang pumanig kay Kayecie na dapat ay trinato sila ng maganda at sana ay nirespeto man lang sila. Narito ang kanilang mga komento.

"Napakawalang pinag-aralan naman mga yan!"

"Ireklamo nga dapat yan ng matutuong rumispeto."

"Dapat di niyo binayaran!"

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!