Larawan ng Mag-Ina na Naglalaro sa Sidewalk, Nag-Viral at Umantig sa mga Netizens






Maaring naninirahan din sila sa gilid ng kalsada at maaring wala sila ng kung ano ang mayroon ang karamihan sa atin, ngunit ang mag-ina na ito na nakita sagilid ng kalsada ay magpapatunay na ang kasiyahan ay isang choice. Ito ay matapos ipost ng isang facebook netizen na nagngangalang Ameniel Del Mundo ang larawan ng mag-ina na naglalaro sa gilid ng sidewalk. Ayon pa sa caption ni Amenil: “Proof that happiness is a choice.”

Sa larawan makikita na ang nanay ay nilalaro ang kaniyang anak na lalaki noong April 9. Kahit pa man ganoon ang kanilang sitwasyon, pinapakita nila na sila ay masaya sa kanilang buhay. Kahit pa man traffic at maraming tao ang naipit sa kalsada sa kasagsagan ng trapik noong araw na iyon, naging inspirasyon ito para kay Ameniel.






Pinapakita nito at pinarealize sa mga netizens na ang kasiyahan ay nasasa atin. “I was str3ssed by some issues in my business when I saw the child playing with his mom and the mother grabbed the child and played with him as well. The two were playing happily at the island while I was grumbling about my situation inside the car,” dagdag pa ni Ameniel.

Piniling kunan ng larawan ni Ameniel ang mag-ina upang maging inspirasyon ito sa mga netizens. Maaring makita ang mag-ina malapit sa airport road sa pasay. Ang post ni Ameniel ay umani ngayon ng papuri at marami ang nagsabi na nainspire sila sa mag-ina na nagpapakita na sa kabila ng paghihirap sa buhay ay mas pinipili nila ang maging masaya. 



Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!