Lucy Torres, Kinuhanan ng 'Woke Up Like This Photo' ni Richard Gomez at Nag-Viral sa Netizens ang Kaniyang Reaksyon!






Mag-asawang Lucy Torres at Richard Gomez Sweet pa Rin Makalipas ang Ilang taong magkasama! Napapanood palang natin ang mga love teams sa tv ay kinikilig na tayo lalong lalo na kapag mula sa pagiging “reel” ay nagkakatuluyan na talaga at nagiging “real” na. Ngunit isa na talagang #RelationshipGoal kung ang real life couple na ito ay magkasama na sa mahabang taon. 

Sa ngayon maraming bali-balitang break-ups at minsan mas marami pang gustong malaman o gusto ang mga balitang break ups kaysa sa masaya at tumatagal na relasyon ng mga couples na nakakamangha dahil sa tagal na panahon na nilang magkasama at matibay pa rin sila. Tulad na lamang nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Drew Arellano at Iya Villania, Paul Soriano at Toni Gonzaga at ang matagal nang magkasama sa buhay na si Lucy Torres at Richard Gomez. 






Dating sikat si Lucy Torres sa showbiz ngunit mas pinili niyang pagsilbihan ang bayan nang tumagal.  Hanggang ngayon ay isa siyang representative ng 4th District ng Leyte at miyembro ng PDP-Laban habang si Richard Gomez naman ngayon ay isa ring politiko pero gumaganap pa rin sa ilang mga pelikula o tv shows. Hindi alintana ang edad nilang 44 at 53 years old dahil para pa rin silang teenager na may nakakakilig na ginagawa at sa tagal na ng kanilang pagsasama na 21 years ay hindi sila nagsasawa sa isa’t isa. Mayroon na rin silang anak na hindi maikakailang sa kanila dahil nga sa taglay nitong ganda.

Nitong nakaraan lang nahiya si Lucy dahil sa ginawa ng kanyang asawa sa kanya noong kagigising pa lamang niya. Nagvi-video pala si Richard at nakuhanan ang kanyang “woke up like this look”. Sa mga larawan na kumalat sa internet ay makikitang yumakap si Lucy sa kanyang asawa at nagpost pa sa harap ng camera sa pag-aakalang simpleng pagvivideo lang iyon pero inupload na pala ito ni Richard sa internet at marami ang nakakita nito.


Comments

  1. this couple are too sweet,and i admire them,perfect!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso