Madreng Pinay, Malapit Nang Hirangin Bilang Isang Santo








Sina Saint Lorenzo Ruiz at Saint Pedro Calungsod ang dalawang santong Filipino na mayroon tayong mga Pinoy, at baka madagdagan pa tayo ng isa pa! Si Maria Beatriz del Rosario Arroyo ay binigyan ng panibagong titulo, ang dating tawag sa kanya ay Servant of God at ngayon ay kilala bilang "Venerable" ayon kay Pope Francis noong June 11, 2019. Ito ay pagkatapos na mapatunayan na namuhay siya ng may kabanalan.

Dahil nabigyan siya ng bagong titulo, ang ibig sabihin lamang nito ay nalalapit na siya bilang tawaging santo. Kapag ang tao ay Venerable, kailangang mapatunayan nilang magkaron ng dalawang mirakulong gawa nila. Kapag napatunayan ang isang mirakulo, sasailalim naman ito sa tinatawag na Beatification, kung saan babasbasan sila sa titulong "Blessed" at kung mapatunayan ang isa pang mirakulo, sasailalim ito sa Canonization, na kung saan ma dedeklara sila bilang isang santo.








Si Maria Beatriz del Rosario Arroyo, o kilala ngayon bilang Venerable Maria Rosario of the Visitation, ay ipinanganak sa Molo, Iloilo noong Pebrero 17, 1984. Kahit na ipinanganak siya sa mayamang pamilya, mas pinili niya na mamuhay ng simple. Balita rin na idinonate niya ang kanyang mga napamanahan mula sa kanyang angkan.

 Naging madre siya sa Dominican order kasama ang dalawa pang Dominican na madre, itinayo nila ang Dominican Sister of the Most Holy Rosary sa Pilipinas noong Pebrero 18, 1927. Pinag silbihan niya ang diyos sa sa tanan ng kanyang buhay at sumama sa ating Amang lumikha noon June 14, 1957 sa edad na pitong pu't tatlong taong gulang. Si Venerable Maria Rosario of the Visitation ay balitang great aunt ng dating First Gentleman Mike Arroyo. Ang deklarasyong ito ay dumating noong may isa pang Filipino na binigyan ng titulong Servant of God ni Pope Francis. 


Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinaglinis Ang Isang Kasambahay At Nakatagpo Ito Ng Napakaraming Pera, Pero Duda Niya Isa Lang Itong 'Honesty Test' Sa Kanya

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation