Naantig Ang Puso Ng Mga Netizens Sa Isang Lineman Na May Suot Na PakPak Na Bigay Ng Kanyang Anak



Ang mga ama ay may kanya-kanyang paraan upang mapasaya nila ang kanilang mga anak. At kahit na hindi naman naayon sa kanilang kasarian ang mga nais na ipagawa ng kanilang anak na babae ay kanila itong gagawin upang hindi lang mabigo ang kanilang anak. 

Isang larawan na ibinahagi ng netizen na si Keith Anderson ang nagpaantig sa puso ng mga netizens. Makikita kasi sa larawan na ang isang lalaki na nakaakyat sa poste na mayroong suot-suot na costume na puting butterfly wings.

Ang sabi ni Anderson sa caption ng larawan ay, 

"His young daughter found out what he did for a living, so she made him wings so he would be safe. And a good dad will wear his daughter's wings."

Hindi naman nabanggit kung saan lugar o bansa ito nakuhanan at kung sino ang lalaki na nasa larawan. Ngunit na-touch pa rin ang mga netizens nang sabihin ni Anderson na mula ang butterfly wings sa anak na babae ng lineman. 

Ibinigay ito sa kanya ng kanyang anak ng malaman na mapanganib ang trabaho nito na umaakyat sa mga poste at nag-aayos ng mga kuryente. Kaya naman ipinasuot ito sa kanya upang mabigyan siya ng proteksyon. 

Hindi man makatotohanan ang nais na mangyari ng anak ngunit nakaka-touch pa rin ito dahil ang nais lamang ng bata ay maging safe ang kanyang ama habang nagtatrabaho. At tinitiyak na lubos na mahal ng anak ang kanyang ama.

Ang trabaho ng isang lineman ay hindi madali lalo na't umaakyat sila sa mga matataas na poste at humahawak ng mga kable ng kuryente.

Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens:

"Isn't that adorable."

"That is so sweet good daddy."

"That wings will save you, papa."

"Good job dad. Great job daughter."

"She loves her daddy."

"A daughter's love."

"Now that's a man and father."

"Salute to all dads out there."

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!