Nagbigay Ng 10,000 Bisikleta Ang Mabuting Lalaking Ito Sa Mga Estudyante Upang Hindi Na Sila Maglakad Ng Malayo Papasok Sa Paaralan



Mayroong mga lugar dito sa Pilipinas na kung saan malalayo ang nilalakad ng mga estudyante papasok sa kanilang paaralan. Mayroong tatawid pa sa mga ilog, aakyat pa ng bundok, maglalakad ng malayo, etc. Sa mga ganitong sitwasyon, ang mga kawawa ay ang mga bata.

Ngunit dahil ang nais nila ay matuto at makapag-aral ay tinitiis nila ito araw-araw kahit na minsan ay nalalagay sa panganib ang kanilang buhay. 

Hindi lamang pala dito sa ating bansa mayroong ganitong klase ng sitwasyon. Sa katunayan, sa bansang Myanmar ay mayroon ding mga estudyante na napakalayo ang nilalakad araw-araw papasok sa eskwela. Ang ang sitwasyon ito ay napansin ng isang concerned citizen na si Mike Than Tun Win matapos niyang bumalik mula sa pag-aaral niya sa Singapore.

Kung siya ay nagkaroon ng magandang pribilehiyo na makapag-aral isang prestihiyosong paaralan, marami namang mga bata sa kanyang lugar na kinalakihan ang nahihirapang pumasok sa eskwela.

Noong nasa Singapore siya ay namataan niya ang napakaraming mga bisikletang itinatapon lamang kahit na pwede pang irepair ang mga iba. Kaya dito niya naisipan na bilhin na lamang ang mga ito dahil mas mura ang halaga at saka na lang nila kukumpunihin.

Sa tulong ng kanyang kinikita sa kanyang tech company, sinimulan ni Mike na mag-import ng mga used bikes sa iba't ibang bansa. At sa loob lamang ng ilang buwan ay nakabili siya ng higit 10,000 na mga discarded na bisikleta. 



Sinimulan nilang ayusin, pagandahin, at irepair ang mga bisikletang ito at nilagyan pa ng extra back seats ang ilan upang mas madami ang maisakay nito. 

Matapos ang finished product ay ibinahagi nila ito sa mga mahihirap na bata sa kanilang bansa. Sinimulan nilang bigyan ang mga batang nasa Grade 7 hanggang Grade 10.


Dahil dito, 10,000 estudyante ang kanilang natulungang magkaroon ng bisikleta upang hindi na nahihirapang pumasok sa paaralan araw-araw. At plano pa rin nilang ituloy-tuloy ang kanilang proyekto upang mas marami pa silang batang matutulungan.


Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!