Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen



Maraming mga magulang na nagsisikap na maghanap buhay para mabuhay ang kanilang mga anak. At walang magulang na gustong mapahamak ang kanilang mga anak kaya ang lahat ay kanilang gagawin para maprotektahan lamang sila. 

Habang sakay ng isang jeep, nadinig ng isang guro na si Gell Fernandez Lagrimas ang nakakantig pusong pag-uusap ng isang ama at kanyang anak na kanyang katapat sa upuan. Na-touched ang netizen dahil naramdaman niya ang tunay na pagmamahal ng tinderong ama sa kanyang babaeng anak.

Narito ang kanilang pag-uusap:

Anak: Pa, huwag mo nako ihatid hanggang loob ng school magtinda ka nalang para makabenta ka marami.

Tatay: Hindi pwede nak, may nangunguha ng bata ngayon. Sige ka, magkakaroon ka ng ibang tatay.

Anak: Sige tay hatid mo na ko. Pagkatapos ko sa school, tulungan kita magtinda ha. Sana maubos lahat para marami tayong pera.

Tatay: Mag-aral ka mabuti nak ha.

Napaka-maiksi at simple lamang ng pag-uusap ng mag-ama ngunit tagos sa puso ang mensahe nito. Mararamdaman na gusto na lamang ng anak na makapag-pokus ang kanyang ama sa pagtitinda para makabenta ito ng marami. Ngunit mas gusto ng ama na makasigurado na makakarating ng safe ang kanyang anak sa pag-pasok sa eskwela bago ito magtinda. 

Sumang-ayon naman ang anak na ihahatid muna siya ng kanyang tatay ngunit ang mas nakakataba ng puso ay noong nangako ito na tutulungan niya ang kanyang tatay sa pagtitinda pagkatapos ng kanyang klase.

Nakakatuwa lamang malaman na kahit sa ganoong murang edad ng bata ay nagiging responsable at matulungin na siya sa kanyang ama.

Napag-alaman din ng guro na bukod sa anak na kasama ng tatay sa jeep ay mayroon pa itong 4 na anak na binubuhay. 

Naibahagi rin ng guro ang kanyang ama na ganito rin kung magsikap para lang mabigyan sila ng maayos na buhay.

"Hello pala sa tatay kong halos ganito din. Nagsikap para lang mapatunayan samen ang salitang tatay. Hindi madali sa kanila to, dahil given na ang magtrabaho at kumayod para sa pamilya. Kahit pakiramdam nila pagod sila basta sa pamilya nila go parin. Sakripisyo, pawis, pagsusumikap. Kahit kailan hindi matutumbasan yon."


Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse