Patok Sa Mga Netizens Ang Obra Na Ipininta Ng Babaeng Ito Sa Kanyang Mga "Bayong Bags"


Kahanga-hanga talaga ang mga taong natural-born artists lalo na ang mga may talento sa pagguhit at pagpinta. Bukod sa pagiging hilig o hobby nila ito ay mapagkakakitaan pa nila ito basta't nasimulan ng tama.

Nauso ngayon ang mga personal hand-painted bags tulad ng ginagawa ng actress na si Heart Evangelista na nagpipinta sa mga luxury bags. Di maikakaila na kinokomisyon pa siya ng kanyang mga kapwa artista at ginawa na niya itong pagkakakitaan. 

Samantala, isang netizen naman na nagngangalang Tin Pamilar Sarmiento ang nagpost sa isang FB page na GUHIT Pinas ang nakilala at hinangaan dahil sa kanyang husay sa pagpinta ng mga makukulay na "bayong bags."

Mas lalong nakapukaw ng pansin at nagustuhan ng mga netizens ang kanyang obra lalo na't noong nalaman nila na gagamitin niya ang perang kanyang makukuha sa pagbebenta ng mga ipinintang bags sa pagpapagam0t dahil mayroong itong komplikasy0n sa kanyang kidneys.

Ayon sa kanyang post,

"Pwede pong mag-promote ng art page ko po? Dito ko po sine-sell mga paintings ko para pandagdag po sa d!alys!s treatment at maintenance ko po."

Makikita sa mga larawan na kanyang ibinahagi ang mga makukulay na bayong na kanyang pinintahan ng personal. Lalong namangha ang mga netizens dahil hindi mo aakalain na bayong pala ang mga bag na iyon dahil nagmukhang sosyal ang mga ito dahil sa mga magagandang disenyo. 

Dahil dito, maraming netizens ang interesado at nagkomento na nais nilang umorder ng mga gawa ni Sarmiento.

Narito ang ilang komento ng mga netizens.

"Wow, ang ganda, ang galing. Sigurado po patok yan kahit pang export."

"Wow, so gifted to have that kind of talent. Fight lang. God Bless."

"Mala-Heart Evangelista."

"Ganda po! I'll buy one too! Get well soon ate!"

Ayon sa isang post ng isang netizen, ibinahagi niya na ibinebenta ni Sarmiento ang kanyang mga bayong bags sa halagang Php1,500/bayong plus design.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso