Pinabilib Ng Isang Netizen Ang Pagkuha Niya Ng Grad Pic Gamit Lamang Ang Cartolina At Pulbo


Bago ga-graduate ang mga estudyante ay kinukuhanan muna sila ng graduation picture at kung minsan ay mayroon pa itong kasamang creative shots. Kumbaga, ito ang kanilang pinaka-souvenier at patunay na sila ay ga-graduate na. 

Ngunit para sa ilan, hindi naman lahat ay afford na magpakuha ng letrato sa studio o di kaya sa isang professional photographer dahil mayroon itong kamahalan. 

Kaya naman dahil dito, isang netizen na nakilala bilang si Ian Obrero ang pinahanga ang social media dahil sa mga kuha niya na graduation picture ng kanyang kaibigan na tila parang kuha sa isang studio.

Nagpapakuha sa kanya ang kanyang kaibigan ng grad pic. Upang hindi mapagastos ay sinabihan niya ito na bumili ng black cartolina at pulbos.

"tol shoot mo ko grad pic
Sige tol, bili ka black cartolina tska pulbos

amazing what 1 flash and photoshop can do

hahaha dali na hire niyo na ako pls. huhu creative shot pwede din, la nga lang ako barong pati filipiniana HAHA. dali na mga suki mura lang pu."

Nakakamangha nga naman dahil ang kinalabasan ng larawan ng kanyang kaibigan ay pang-studio ang dating. Inilagay lamang nila ang black na cartolina sa background saka nilagyan ng kaunting polbo upang magmukhang parang mga background cloth na tulad sa mga studio. 

Mahusay rin ang pagkaka-edit ng pictures gamit ang photoshop kaya naman tiyak na na-satisfy rin ang kanyang kaibigan at hindi pa napagastos ng mahal. 

Samantala, napabilib rin ang mga netizens at narito ang kanilang mga komento.

"angas! pulbos lang pala katapat nung effect sa bg."

"Dapat pala dito na lang ako."

"wow naman akala mo nasa studio"

"Madiskarte"

Sa dami ng papuri na natanggap ay wika naman ni Ian, "okay in my defense, I am not that good and this was done only because my good friend asked me to. hahahaha."

Ngunit gayunpaman, sa husay ni Ian sa pag-improvise, pagkuha ng letrato, at pag-edit ay tiyak na marami pa ang magpapakuha sa kanya at baka maging negosyo pa niya ito sa hinaharap.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa