Pulubi, Pinuri ng mga Netizens sa Pagbenta ng Prutas Upang Pakainin ang Pusang Kalye!








Isang lalaki ang hindi na mapakain ang kaniyang sarili dahil sa wala itong pera at palaboy sa daan sa Thailand ngunit gumawa ng paraan sa pamamagitan ng pagbebenta ng prutas upang pakainin ang mga kalyeng pusa na tinuturin nitong pamilya niya. Ang lalaki na ito ay isang palaboy sa Thailand at nakilalang si Loong Dum. Dahil sa kagustuhang pakainin ang mga pusang laboy na sumusunod sa kaniya araw araw sa daan at tinuring na niyang pamilya ay naisipan niyang magbenta ng prutas. 

Para kay Loong Dum sanay na siya na wala siyang kainin sa isang araw kaya naisipan niya na pakainin na lang ang mga pusa. Gamit ang mga karatula na nagsasabing binebenta niya ang mga prutas na ito sa 20 baht upang bayaran ang mga pagkain na maaring makain ng mga pusang gala. Nagbebenta siya sa mga kalsada ng Thailand. Marami ang hindi bumibili kay Loong dahil sa kaniyang pisikal na anyo ngunit hindi ito naging balakid upang itigil niya ang pagbenta ng mga prutas.







Isang netizen na nagngangalang Warunya Wattanasupachoke ang nakakita kay Loong at natuwa sa ginawa nito para sa mga pusa. Ito ay kaniyang kinuhanan ng larawan at binahagi sa social media ang larawan ni Loong upang makuha ang mga simpatya din ng mga ibang netizens upang mainspire kay Loong dahil sa mga simpleng ginagawa nito para sa mga pusa na palaboy sa daan. Nais ni Warunya na wag husgahan ang mga katulad ni Loong na nagtitiyaga kahit sa kabila ng kaniyang pisikal na anyo na madumi dahil mayroon itong busilak at malaking pusa na handing tumulong para sa iba.

Maraming mga netizens din ang natuwa kay Loong at ngayon ay binibilhan na siya ngayon ng mga prutas upang makatulong din sa mga pusa. May mga tao din na tumulong sa kaniya upang magkaroon ng makeover upang mas luminis siya at mas madami pa ang bumili sa kaniya. 


Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!