Security Guard, Hinangaan sa Pagbalik ng Wallet na Mayroong Laman na Nagkakahalaga ng 47,000 Pesos








Alam natin kung gaano kahirap ang mag-ipon ng pera lalo na kung ito ay ating pinagpapaguran. Kaya naman napakahalaga sa atin ang magtabi sa ating mga ATM at pagsumikapan na hindi ito mawala dahil maaring makuha ang laman nito okaya naman ay mahabang proseso talaga ang iyong dadanasin bago mo ito maayos. Kagaya na lamang ng isang post ng isang netizen na nagngangalang Georgia Brizuela Relucio sa kaniyang facebook account matapos niyang maiwan ang kaniyang wallet.

Ayon kay Georgia, naiwan niya ang kaniyang wallet matapos siyang magwithdraw sa isang atm machine. Habang siya ay nagwiwithdraw ay naiwan niya ang wallet sa taas ng atm machine at dali dali naman itong binalik sa kaniya ng security guard na nakakita dito. Nagpapasalamat siya sa dito dahil sa ginawang katapatan ng security guard. 








Ikinagalak ni Georgia ang pagbabalik ng security guard ng kaniyang wallet dahil naglalaman din umano ito ng mahigit sa 47,000 pesos na halaga ng pera dahil ilang beses din itong nag withdraw sa nasabing atm. Napakalaking halaga ito para kay Georgia kung hindi ito tamang naibalik sa kaniya. 

Ayon pa kay Geogia, nagahol kasi siya sa oras dahil sa hinahabol niyang mga lakad kaya naman niya naiwan ang wallet sa atm machine. Naalala nalang nito noong siya ay nakasakay na ng LRT. Kahit pa man nagsara na ang mall kung saan naroon ang atm machine ay itinago ito ng security guard. Para kay Geogia, kailangan malaman ng mga netizens at ng social media ang mga katulad ng kuya na nagtago ng kaniyang wallet upang purihin ito sa busilak nitong puso at para narin makapagbigay inspirasyon ang ginawang kabutihan ni kuya sa ibang tao na maaring makaranas ng parehong sitwasyon.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso