Usap-Usapan Ang Isang Mataas Na Tindahan Na Ito Na Kakailanganin Mo Pang Umakyat Bago Makabili



Sikat ang mga sari-sari store dito sa Pilipinas dahil bukod sa maliit lamang ang puhunan upang maipundar ang negosyong ito, ay mabilis makabenta ang mga ito. 

Ang mga sari-sari store sa tabi-tabi ay mga maliliit lamang na mga business na napaka-accessible sa mga tao. Dahil kung wala ka nang oras makapunta sa grocery store ay maaari mo na itong mabili sa tindahan at ang nakakatuwa pa ay makakabili ka kahit tingi-tingi lang dito.

Ngunit kung pag-uusapan lang din lamang ang accessiblity, ang isang tindahan na ito ay tila kakaiba. 

Isang netizen na nagngangalang Jasmin Rdzk Usman ang nagbahagi ng isang sari-sari store sa isang bayan ng Kabuntalan, Maguindanao na isang palapag ang taas. Saad ng netizen sa kanyang caption, "So paano ako bibili?"

Hindi lamang ito nagdulot ng palaisipan kay Usman kundi maging sa social media ay naging usap-usapan ito ng mga netizens. Hindi kasi tipikal na nakakakita ng tindahan na nasa second floor lalo na pa't walang maayos na hagdanan upang akyatin ito.

Kinailangan pa ng netizen na akyatin ang mga kahoy na tila ginawang temporary na hagdan upang siya ay makabili sa taas.



Nagtaka rin ang mga netizens kung mayroon pa bang bumibili sa tindahan na iyon. Narito ang ilan sa kanilang mga nakakatuwang komento.

"Iwas magnanakaw"

"Mataas na talaga ang bilihin ngayon."

"Okay lang kung mataas ang tindahan pero wag lang ang presyo ng paninda nila."

"Kung yan lang tindahan alam ko, no choice kundi akyatin."

"Minsan kase bumabaha jan abot hanggang taas. Kaya nagbabanga na lang yung bumibili."

"Dapat nag adjust muna yung may tindahan kasi kung tamad at may malapit na tindahan kagaya niyan malamang wala yan sila maging customer."

Wala namang masama kung saan nais ilagay ng may-ari ang kanyang tindahan. Pero kung nasa second floor nga ito, ang importante ay mag-ingat na lamang ang mga bumibili sa pag-akyat at pagbaba. 

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!