Viral: Lalake, Nagulat sa Ginawa ng Kaniyang mga Aso sa Pasaporte Naiwan Nito sa Bahay








Alam naman natin na ang pag-alis o travel ngayon ay parte na ng ating buhay. Travel is life ika nga ng iba dahil kapag sa tuwing tayo ay umaalis papuntang ibang bansa o papunta sa kung saan mang lupalop ng bansa ay talaga namang malaking ginahawa sa atin dahil ito ang panahon upang tayo ay makapagsaya at pati narin makapagpahinga mula sa mga gawain na iniisip natin mapa-trabaho man o mapa-eskwelahan kung tayo pa ay estudyante.

Kagaya ng ilang mga kabataan ngayon na mahilig magpunta sa ibang bansa upang mamasyal at magipon ng mga masasayang karanasan at alala, balak daw sana ng isang netizen na nagngangalang Mark Kevin Garde na umalis ng bansa bago magtapos ang taong 2019. Pero tila parang maanatala ang kanyang mga plano dahil sa kapilyuhan ng kanyang mga alagang aso sa bahay na tila ginawang laruan ang kanyang pasaporte na nakaiwan.









Ayon sa kwento ni Mark, kagagaling lang niya mula sa trabaho nang tumambad sa kanya ang punit at gula-gulanit na mga pirasong papel ng kanyang pasaporte. Hindi raw niya alam kung paano ito nailabas sa kanyang lagayan na maingat niya namang naitabi. Aniya, hindi na niya alam kung magagalit, malulungkot, o matatawa siya nang pakitahan siya ng "puppy eyes" ng mga alaga na halatang guilty raw sa kalokohang ginawa. 

Makikita sa mga larawan na kaniyang binahagi sa social media na talagang ang mga pahina ng pasaporte niya ay nagkalat sa sahig malapit kung saan makikita ang kaniyang mga aso na nagpapahinga. Maraming netizens ang nagbigay ng simpatya para kay Mark at marami din ang natawa dahil hindi din nila alam kung magagalit ba sila o matatawa sa kalokohan na ginawa ng mga aso ni Mark. Sa ngayon ay wala pang plano si Mark kumuha ng pasaporte dahil pabiro nitong binahagi na baka maulit muli sa kaniya ang pangyayari na ginawa ng kaniyang mga alaga.


Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!