Viral: Mga Kaibigan na Hindi Nakasama sa Gala, Ginawan ng Paraan ng Mag-Babarkada na Ito na Ikinatuwa ng mga Netizens








Maraming mga maagkakaibigan ang nakakaranas ng pagplaplano ng isang alis ngunit sa huli ay hindi natutuloy o kaya naman ay iilan lamang ang tumutuloy sa lakad. Karamihan sa atin ay naranasan na ito o tayo mismo ang gumagawa dito. Kaya naman isang trending photo ang kumakalat ngayon sa facebook at nag-viral dahil sa aliw na dala ng magbabarkadang ito matapos silang hindi siputin ng kanilang mga kaibigan sa napagplanuhang gala.

Isang facebook netizen na nagngangalang Jaie Principe Pimentel ang nagbahagi ng larawan na nakakuha ng halos sa 18k reactions, 22k shares at mga komento. Talaga naman walang pagdududa ang dami ng mga nagreak sa viral na photo na ito dahil relate na relate tayo dito! Ayon sa kaniya marami silang planong magkakaibigan ngunit sa huli ang nag confirm lamang na sumama sa lakad na ito ay tatlo lamang sila. 






Mula sa grupo nila na binubuo ng 21 na tao ay tatlo lang sa kanila ang natuloy. Kaya naman sila lamang ang nakita sa larawan na kuha pa mula sa Batanes. Dahil dito, ginawan nila ng paraan upang makasama sa photo ops ang kanilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagdadala ng kanilang mga printed photos din. 

Maraming mga netizens ang naaliw at natuwa sa viral post na ito. Maraming mga nagsasabi din sa mga nagbigay ng pahayag na minsan ay mas natutuloy pa talaga ang mga lakad na biglaan lamang. Ang ilang mga netizens naman ay nagbigay ng kanilang papuri dahil sa ginawa ng tatlong magkakaibigan na isinama nila ang kanilang barkada kahit na lamang ay sa larawan lang. Sa ngayon pinaplano nanaman nila Jaie ang kanilang susunod na lakad at umaasa sila na sa susunod ay sana buo na ang kanilang grupo. 


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa