Viral Ngayon ang Isang Eskwelahan sa Cavite Matapos Gawing Faculty Room ang mga Kanilang mga Banyo






Sa ating bansa, isa ang mga public schools ang kelangang bigyang pansin ng ating gobyerno dahil marami dito ay kulang ang mga pasilidad at mga classroom para sa mga mag aaral. Kung may mga classroom naman, ang iba naman ay walang upuan o lamesa para sa mga estudyante. Tumaas ang bilang ng mga estudyante na nag enroll ngayong taon sa Bacoor National Highschool sa Cavite. Kaya naman kinailangang gawing mga classroom ang faculty room ng mga guro. Dahil dito, wala ng nagawa ang mga guro upang gumawa ng solusyonpara malutas ang kanilang problema.

Isang grupo ng mga science teacher ang ginamit ang hallway na malapit sa palikuran upang gawing faculty room. At ang ibang mga guro naman ay ginamit ang palikuran upang gawing faculty room! Inalis nila ang ibang mga cubicle upang mapalawak kahit papaano ang kanilang lugar, at ang ibang mga cubicle naman ay ginagamit na nila bilang palikuran. Ang masama pa rito, ginamit ng mga guro ang kanilang mga pera upang ayusin ang mga CR para gawing faculty room. Ang ibang mga inidoro ay may patong na mga karton at tela para gawing mesa.







Sumama ang loob at nagalit ang mga guro sa principal ng eskwelahan dahil ginamit ang pondo nito sa extension ng school canteen at hindi para pasilidad kagaya ng faculty rooms at classroom ng eskwelahan. Dahil dito, pinost ng faculty president na si Maricel Herrera sa kanyang facebook account ang kanilang kalagayan sa Bacoor National Highschool. Nag trending ito at maraming mga netizens ang nagalit at sinabing hindi ito deserve ng mga guro!

Nagalit naman ang school principal sa ginawa ni Herrera at sinabing sinira nito ang imahe ng paaralan at ang Department of Education (DepEd). Ibinihagi ni Prinicipal Anita Rom na hindi niya alam kung bakit ginamit ng mga guro ang mga CR upang gawin nilang faculty room dahil inalok naman niya ang mga ito na gamitin ang library o ang social hall pang samantala.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso