Viral: Ninong at Ninang na Dumalo sa Isang Kasal, Nagsabit ng Php100K sa Ginawang Wedding Dance








Tuwing may kasalan, inaabangan ng mga bagong kasal ang money dance na kung san ito rin ay tinatawag bilang 'prosperity dance'. Ito ang oras kung saan idinidikit ng mga bisita ang pera sa damit ng bagong kasal. Ipinapakita rin nito ang pag tulong ng mga bisita para umpisahan ang bagong buhay nilang mag asawa. Kadalasan sa mga kasal ay maraming naiipon na pera ang bagong kasal sa pamamagitan ng prosperity dance.

Sa kasal na ito makikita na ni-level up ng ninong at ninang nila ang money dance na kung saan nag handa sila ng kapa at korona na gawa sa tig iisang libong piso. Maraming mga netizens ang nag sabi na ang halaga lahat ng perang kanilang na likom mula sa money dance ay hindi bababa ng isang daan libong piso! Gamit ang kanyang Facebook account, pinost ni Mc Kevin ang momento sa bagong kasal na nag mo-money dance. 






Ayon sa kaniya nagsabit ang mag-asawa na napagalaman na ninong at ninang ng bagong kasal. Sana daw lahat ng sponsors ay katulad ng mag-asawa. Hindi napigilan mainggit ng ibang mga netizens sa bagong kasal. Mayroong mga nag hahangad na sana ay kasing yaman ng ninong at ninang ng bagong kasal ang kani kanilang mga ninong at ninang katulad na lamang sa post ni Mc Kevin!

Dahil dito, nag treding ang post ni Mc Kevin sa social media at umani ng tatlo't pu't dalawang libong shares at sampung libong comments, mula sa mga netizens na nag hahangad na mangyari din sana sa kanila ang naranasan ng bagong kasal sa araw ng kanilang kasal. Maraming mga netizens ang nag komento at nag birong hahanapin nila ang bagong kasal at kukunin nilang ninong at ninang upang maishare nila ang kanilang blessings at para makapag simula ng bagong buhay mag asawa katulad nila. 


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso