Posts

Showing posts from July, 2019

Isang Hapon, Naging Usap Usapan sa Social Media Matapos Magpakasal sa Isang Hologram

Image
Alam natin na ang pagmamahal ang pinakamakapangyarihang bagay sa ating mundo. Sa isang pelikulang sikat kagaya na lamang ng Frozen, maaring matandaan natin na ang tanging nakapagpatunaw lamang kay Ana ay ang tunay na pagmamahal ni Elsa. Ito ay maaring mangyari din sa totoong buhay. Ang pagmamahal ay talagang nakakatunaw ng matigas na puso. Ang pagmamahal ay maaring magturo sa atin kung paano tumanggap, magpatawad, maging mabuti at unahin ang kapakanan ng iba bago ang sarili. 
Nguni ano ng aba ang tunay na pamantayan ng pagmamahal? Marami sa atin ay bumabase sa ating mga sarili habang ang iba naman ay naniniwala base sa mga sinasabi ng ibang tao at ng kanilang pamilya. Ngunit, kahit ano pa man yan ay iisa lang an gating kahahantungan, ang ipaglaban ang pagmamahalan ng dalawang tao. Ngunit paano kung malaman mo isang araw ay mahulog nap ala ang sarili mo sa isang hindi totoong tao. 



Marahil marami sa atin ay nakakabasa tayo ng mga balita na nahuhulog ang isang tao o nagkakagusto ang is…

Kilala Niyo pa ba ang "Puppy Love" ni Anne Curtis na si Chubi Del Rosario Noon? Ito na ang Buhay Niya Ngayon!

Image
Kung batang 90's ka, siguradong nasubaybayan mo ang love team nina Anne Curtis at Chubi del Rosario. Kung hindi naman, kilalanin natin ng bahagya kung sino itong dating aktor na di umano ay puppy love ni Anne Curtis. 




Si Robertino Emmanuel Chubi del Rosario o mas kilala bilang Chubi ay ipinanganak noong May 29,1984, sa Muntinlupa. 

Nag-umpisa siya sa mundo ng show business bilang katambal ni Anne Curtis sa palabas ng GMA 7 na T.G.I.S. Ayon sa ilang report, ang orihinal talagang katambal ni Chubi ay ang aktres na si Idelle Martinez ngunit dahil hindi ito tumuloy sa show ay pinalitan siya ni Anne Curtis. Ang tambalang ito ng dalawa ay kinagiliwan ng publiko kaya naman nagkaroon pa sila ng iba pang proyekto bilang "love team" kagaya na lamang ng "Ikaw Sana" noong taong 1997, Hati-Hating Kapatid" at "May Bukas Pa". 



Maraming TV viewers ang talaga namang kinilig sa tambalang Anne at Chubi dahil hindi lang sila "love team" sa mga palabas kundi p…

Estudyanteng Gumagawa ng mga Robot Mula sa mga Patapon at Lumang Karton, Hinangaan ng mga Netizens!

Image
Sa panahon ngayon kung saan pataas na ng pataas ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan, maraming sa atin maging mga estudyante ang naghahanap ng mga bagay na pwede nilang pagkakitaan. Ang ilan nga sa kanila ay pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho para lang kumita ng pera. Ngunit kakaiba ang isang estudyanteng ito na kamakailan lang ay naging viral sa social media dahil sa kaniyang kakaibang libangan na kaniya ring pinagkakakitaan. 


Nakilala ang nasabing estudyante bilang si Sebastian Cacho. Gumagawa niya ng mga laruang robot o sasakyan mula sa mga patapon o di kaya naman ay hindi na ginagamit na mga karton sa kanilang bahay. 




Noong siya ay 13-taong gulang pa lamang ay kapansin-pansin na di umano ang pagkahilig niya sa mga robot at sasakyan hanggang sa isang araw ay nag-umpisa siyang gumawa ng sariling laruan na gawa sa mga karton. Simpleng mga laruan palang ang kaya niyang gawin noon ngunit habang tumatagal ay mas lalong nahahasa ang kaniyang talento at nakakagawa na siya ngayon n…

Kumpanya sa Quezon City, Pinagdiwang ang Family Day at Nirentahan ng Buo ang Enchanted Kingdom!

Image
Ano ang pinaka malaki at pinaka magarbong nagawa sa iyo ng inyong kumpanya at sa iyong pamilya? Kung tatanungin mo ang mga empleyado ng isang kumpanya sa Quezon City, ang kanilang magiging sagot ay, ipinasara at ni rentahan nila ang buong Enchanted Kingdon noong isang linggo para mapasakanila ang buong theme park ng isang araw at di umani nag pa raffle pa ng isang brand new car.
Ang kumpanyang ito ay ang AFNI Philippines, isang BPO call center sa Quezon City. Ginunita nila ang kanilang Family Day na kung saan inimbita nila ang pamilya ng kanilang mga empleyado para sa isang araw sa Enchanted Kingdon. Humigit kumulang sa apat na libong empleyado kasama ang kanilang mga pamilya ang nag enjoy sa isang araw na ekslusibo para lamang sa kanila at ang lahat ng ito ay libre.
Napaka swerte nga naman ng mga empleyado ng AFNI Philippines! Isipin mong makakasakay ka sa Space Shuttle, Rio Grande at sa lahat ng mga paborito mong rides sa Enchanted Kingdom ng hindi pumipila ng matagal at kasama mo …

Sinorpresa Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Girlfriend Na Nagtatrabaho Bilang Isang Service Crew

Image
Madami-dami na ngayon ang gumagawa ng iba't ibang estilo ng pagpo-propose sa kanilang mga kasintahan. At marami na rin ang gumawa na hinihingi nila ang kamay ng kanilang mga nobya kahit  na sila ay nakaharap pa sa maraming tao.
Ngunit ang mas nakaka-touch na proposal ay hindi naman nadadaan sa pabonggahan o pamahalan ng singsin. Basta't ito ay unique at totoo ay talaga namang mapapasagot ng matamis na "oo" ang kanilang pinakamamahal.
Magkahalong kilig at excitement ang natunghayan ng mga netizens matapos magpropose ang isang lalaki na si Dexter John Doseo Tuyan sa kanyang girlfriend na si Emily Dongue Beriong na nagtatrabaho bilang isang service crew sa isang sikat na fastfood chain sa Kidapawan City sa Davao.
Ayon sa kanyang post ay nagpanggap lamang siya na bibili ng pagkain habang ang kanyang nobya ang service crew na tatanggap ng order. Nang iniabot ng lalaki ang 500 pisong pambayad sa mga inorder ay nagulat na lamang ang dalaga dahil sa mga nakasulat sa loob ng…

Isang Aso Na Mukhang Tigre, Kinaaliwaan Ng Mga Netizens

Image
Ayon nga sa kasabihan, "A dog is a man's bestfriend." Dahil bukod sa loyal na ang mga ito sa kanilang mga amo ay magaling pa silang taga-bantay at maamo. Ang bawat aso ay may kanya-kanyang breed. Pero ang isang asong ito ay nagviral sa social media dahil sa kakaibang itsura. 
Ang seaman na si Renz Degala Dariagan na bumabyahe pa-Vietnam ay nagbahagi ng larawan ng isang asong kulay brown na may itim na mga guhit-guhit sa buong katawan na nagmukhang tigre. Sa unang tingin ay mapapaisip ka kung aso nga ba o isang mabangis na hayop ang iyong kaharap.
Sa kasama sa kanyang post ay ang caption niya na:
"Kung sino man may-ari ng aso na ito, please lang muntik na akong atakihin sa bangs, paki-kulong naman."

Malamang ay nakakagulat nga talaga ito sa unang tingin dahil sa nakakalinlang nitong kulay. Hindi rin naman nabanggit o natiyak kung natural ba o kinulayan lamang ang balahibo ng aso upang magmukha itong parang tigre. 
Sa katunayan, mayroon naman talagang mga breed n…

Tinaguriang 'Crazy Rich Filipino' na Mag-Nobyo, Ikinasal at ang Kanilang Bisita ay ang Boyce Avenue

Image
Maaring ang lahat sa atin ay nakita na ang pelikulang Crazy Rich Asians at sasang-ayon tayo na ay pelikula ay talaga naming nakakamangha at engrande. Ang pelikula ay patungkol sa mayayaman na buhay ng isang Asian. Ngunit, isa sa mga bahagi ng pelikula ay ang pinaka engrande at tinatanyag na wedding of the year.
Ang buong pelikula ay umikot patungkol sa relasyon at kasalan nina Colin at Araminta, kaya naman ito talaga ang pinaka engrande kasal sa taon. Ang nasabing wedding ay talagang nakakamangha pagdatin sa arkitektura. Ginanap ito sa loob ng isang kapilya na may maliiit na hardin. Ang kasal ay walang masyadong dekorasyon ngunit pasabog naman ang marami nitong palamuting damo. Ang mga bisita ay naupo sa upuan na punong puno din ng halaman.



Habang naglalakad si Araminta ay may tubig na umaagos na nagmimistulang naglalakad siya sa tubig. Ang wedding na ito ay tinatanyag maaring humalaga sa 40 million na dollars. Ngunit, kung akala ninyo na ang ganitong kasalan lang ay nangyayari sa pe…

Willie Revillame, Natuwa at Namigay ng mga Pera sa Kabataan sa Kalye

Image
Marami sa atin ang mahilig manuod ng telebisyon bilang isang pangunahing pampalipas ng oras. Isa na sa nakagawian ng mga pamilyang  Pilipino ang bonding na ito kung saan ay marahil nagmamarathon pa ang iba. Marami sa atin ang tutok na tutok sa mga programa na nagbibigay talaga ng aliw at saya. Ang mga Pinoy ay may mga kaniya kaniyang pelikula na sinusubaybayan pang araw araw. Karamihan sa atin ay abang na abang lalo sa gabi dahil ito lang ang oras na Malaya tayo makapanuod ng telebisyon.
Marahil ang karamihan sa atin ay paguwi galling trabaho ay tutok na tutok sa mga panggabi na palabas lalo na ang wowowin. Sikat na sika tang programa na ito ni Willie Revillame lalo na sa mga matatanda dahil sa magagandang palaro at pagkagalante ni Willie. Dahil ditto, naging tanyag ang mga linya katulad ng bigyan ng jacket at five thousand pesos.




Patunay dito ang mga kalye boys na maswerteng natyempuhan ni Willie sa kalsada. Naging trending ngayon sa social media ang video na ipinost ni Adrian Gret …

Bahay Sa Tagaytay Ibinebenta Na May Kasama Pang Sports Car

Image
Sa panahon ngayon, hindi biro ang magpagawa ng bahay lalo na't napakamahal ang iyong gagastusin. Para sa ilang may kaya, bumibili na lamang sila ng mga nakatayo ng properties dahil wala silang poproblemahin sa pagpapagawa.
Sa isang post na ibinahagi ng Facebook page na The Staycationist ay ibinihagi ang mga larawan ng isang nakaka-agaw pansin na property sa Splendido Subdivision sa Tagaytay. Kaya mas naging agaw pansin ang naturang post ay dahil kapag binili mo raw ang bahay ay may kasama pa itong mamahaling sports car.
Ayon sa page, ito ay rush sale. At ibinebenta ito sa tumataginting na halagang 38M Php cash basis only. Para sa mga seryosong bumibili ay maaari silang makipag-appointment upang ma-view ang bahay dahil ang mga may-ari nito ay sa Quezon City nag-iistay.
Ang tatlong palapag na bahay ay semi-furnished na may tatlong bedrooms at ang isang kwarto ay maaaring iconvert sa isang guest room. Mayroon rin itong maid's room, 3 bathrooms, 1 powder room, at dalawang garahe …

Mag-asawang Charlene at Aga Muhlach, Ipinagdiwang ang Kanilang 18th Wedding Anniversary!

Image
Ginunita ng mag asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang kanilang labing pitong taong pagsasama bilang mag asawa noong makailan lamang. Binati nila ang isat isa sa pamamagitan ng pag popost ng larawan at mga nakaka kilig na mensahe gamit ang kanilang instagram accounts. Ibinahagi ni Charlene Gonzales ang kanilang wedding photo makalipas ang labing pitong taon. Pinasalamatan niya ang kanyang asawang si Aga Muhlach dahil sa labing pitong taon nilang kasiyahan at pag mamahalan.
Isinulat ni Charlene na matapos ang labing pitong taon makalipas, nagpapasalamat siya sa kaniyang asawa dahil sa pagsasama na puno ng saya at pagmamahalan. Binahagi naman ni Aga Muhlach ang mas bago nilang larawan sa kanyang instagram account at binati ang kanyang asawang si Charlene. Matatandaan noong taong 2009, ibinahagi ng mag asawa kung paano nila napapanatiling matatag ang kanilang relasyon sa pag lipas ng panahon noong ininterview sila para sa isang beauty brand. 




Ayon sa isang news article, sinabi nil…