Bahay Sa Tagaytay Ibinebenta Na May Kasama Pang Sports Car


Sa panahon ngayon, hindi biro ang magpagawa ng bahay lalo na't napakamahal ang iyong gagastusin. Para sa ilang may kaya, bumibili na lamang sila ng mga nakatayo ng properties dahil wala silang poproblemahin sa pagpapagawa.

Sa isang post na ibinahagi ng Facebook page na The Staycationist ay ibinihagi ang mga larawan ng isang nakaka-agaw pansin na property sa Splendido Subdivision sa Tagaytay. Kaya mas naging agaw pansin ang naturang post ay dahil kapag binili mo raw ang bahay ay may kasama pa itong mamahaling sports car.

Ayon sa page, ito ay rush sale. At ibinebenta ito sa tumataginting na halagang 38M Php cash basis only. Para sa mga seryosong bumibili ay maaari silang makipag-appointment upang ma-view ang bahay dahil ang mga may-ari nito ay sa Quezon City nag-iistay.

Ang tatlong palapag na bahay ay semi-furnished na may tatlong bedrooms at ang isang kwarto ay maaaring iconvert sa isang guest room. Mayroon rin itong maid's room, 3 bathrooms, 1 powder room, at dalawang garahe na nasa may bandang top and lower part ng bahay back and front. 

Sa lower ground area matatagpuan ang garden at isang kwarto na maaaring gawing multi-purpose room. Sa susunod na floor ay naroroon ang master's bedroom na mayroong sariling bathroom at balcony. Sa upper ground floor naman matatagpuan ang kitchen na mayroong built-in microwave, refrigerator, countertop stove, at dining area. 

Ang disenyo ng bahay ay modern at makikita na napapalibutan ito ng mga glass windows na tanaw ang napakagandang view. Ang property ay naipatayo noong taong 2018 at mayroong kabuuang sukat na nasa 485 sqm na lot area. 

Kaya naisipang ibenta ito ng may-ari ay dahil hindi naman ito natitirahan kaya mas mabuti kung ibenta na lamang. 

Ngunit ang mas nakaka-agaw pansin, na kapag binili ang magandang bahay ay kasama na rin ang pulang limited edition na Mustang GT sports car na dadalawa lamang ang mayroon sa buong Asia.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!