Batang Lalaki, Umani ng Papuri Mula sa Mga Netizens Dahil sa Pagbubuhat ng Sako ng Damo sa Eskwelahan




Isang batang estudyante ang pumasok sa kanyang paaralan na may dala dalang sako ng damo ng dalawang sunod na araw  kung saan nakakuha siya ng paghanga mula sa kanyang mga guro at sa mga netizens. Marami ang humanga dahil hindi siya nahiya gawin ito at hindi niya pinansin at inisip kung ano ang maaring sabihin ng kanyang mga kaklase dahil ang pagdadala ng pagkain para sa mga baka ay ang mas importante sa kanya.

Ang pangalan ng batang ito ay Arkim Camello, isang Grade 7 na estudyante mula sa Usmaad National High School sa bayan ng Argao mula sa southern Cebu. Nakita ng guro ni Arkim na may dala dala siyang sako ng damo papsok ng eskwelahan. Nag taka si Gevana Je-je Montejo kung bakit may dala siyang sako ng damo.  Sa ikalawang araw, nakita niya ulit si Arkim na may dalang sako. Kasama ang adviser ng bata na si Rosemarie Sartagoda Diotay, ay tinanong nila si Arkim kung ano ang gagawin niya rito. Nagulat ang mga guro dahil nakita nila na may laman na damo ang sakong dala dala ni Arkim. Sinabi ni Arkim na hinugot nila kasama ng kanyang mga kaklase ang mga damo upang gamitin sa kanilang TLE Agriculture na klase.





Dahil itatapon na lamang ang mga damo, tinanong ni Arkim ang kanyang guro kung pwede niyang iuwi ang sako ng damo para sa kanilang mga baka. Pinayagan naman ng guro si Arkim at dahil dito, nag viral ang kanyang mga larawan na may dala dala siyang sako ng damo sa facebook. Humanga ang guro sa kanyang estudyante dahil sa determinasyon niyang tulungan ang kanyang pamilya at siguraduhing may pagkain ang kanilang alagang mga baka.

Kung titignan daw mabuti ang bata ay nagpapakita ito ng katangian ng pagiging responsable at kung paano nito pahalagahan ang pag-aaral na siya mismo ay tumutulong sa kaniyang pamilya na makalikom ng pera sa pang araw-araw na pamumuhay. Pinuri ng guro ni Arkim ang kanyang mabuting gawain at nakitaan pa siya na mag kakaron siya ng magandang buhay dahil sa sipag at tiyaga nito sa murang edad.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya