Eskwelahan Sa Leyte Pinahintulutang Gumamit Ng Cellphone At Gadgets Ang Kanilang Mga Estudyante


Sa panahon natin ngayon, mapa-bata o matanda ay gumagamit na ng mga cellphones at gadgets. Ngunit kahit na ang teknolohiyang ito ay napapabilis ang ating buhay, mayroon naman itong dulot na negatibong epekto lalo na sa mga batang may murang isipan.

Ang mga bata ngayon lalo partikular na ang mga mag-aaral, nagiging dependent na sila sa mga gadgets dahil abala sila sa paglalaro ng iba't ibang mga mobile games. Kung dati rati ay makikita ang mga bata na naglalaro sa labas, ngayon ay nakaluklok na lamang sila sa isang sulok at abala sa pagpindot ng kani-kanilang mga cellphones.

Kaya naman ang isang eskwelahan sa Leyte ay pinahihintulutan ang kanilang mga estudyante sa paggamit ng cellphones at paglalaro ng mobile games habang nasa campus. 

Nagdesisyon ang Pastor Administrator na si Joshua Hocson ng Doane Baptist School at Doane Christian Academy na pahintulutan ang kanilang mga estudyante sa paglalaro ng mobile games matapos makatanggap ng mga reklamo sa mga magulang at guro ng mga bata dahil sa labis labis na paggamit ng gadgets. 

Inisyu ang patakaran na ito upang hikayatin ang kanilang mga mag-aaral na maglaro sa labas at makipag socialize sa ibang mga bata. Pinahintulutan nila ang paggamit ng mga gadgets tulad ng smartphones at tablets habang nasa school premises. 

Marami mang estudyante ang di sang-ayon dito ngunit and desisyong ito ay makakabuti naman para sa kanila at makakatulong din upang sila ay makapag-pokus sa kanilang pag-aaral. 

Bahagi ng school pastor sa site ng Moms and Babies, "It was to make them focus on their studies and other academic responsibilities. Also, I noticed that during school events, instead of participating, other students would prefer playing mobile games."

Dahil sa implementasyong ito, nagdulot naman ito ng magandang epekto sa mga bata. Mas nagkaroon ang kanilang mga estudyante ng oras na maglaro ng iba't ibang physical at mind games tulad ng mga tradisyunal na larong Pilipino gaya ng piko, luksong baboy, patintero, at chess, makipag-socialize sa ibang kapwa estudyante at makakilala ng bagong kaibigan. 

Hindi lamang ito makakabuti sa pagkatao at paglaki ng mga bata kundi maganda rin ang epekto nito sa kanilang kalusugan. 

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!