Estudyante Bumili Ng Isang Robot Para May Taga-Sulat Sa Kanyang Assignment


Nabibigyan ang mga estudyante ng mga assignments o homeworks upang mahasa ang kanilang utak at kahusayan sa pagsusulat. Ngunit ang isang estudyanteng ito imbes na magsulat ay bumili siya ng isang robot para iyon ang magsulat para sa kanya. 

Isang Chinese 15 year old student na taga Hangzhou ay pinagkagastusan mula sa kanyang ipon ang pagbili ng isang copying robot na nagkakahalagang $120 (P6,000+) upang makatulong sa kanyang mga takdang aralin.

Naatasan ang estudyante na magsulat ng ilang mga essays at kumopya ng ilang mga texts sa kanilang exercise book. 

Ngunit dahil sa nais niyang matapos ito kaagad at para hindi siya mapagod kaya naisipan niya ang pagbili ng isang robot na nakakakopya ng handwriting. Ayon sa packaging ng machine, nagagaya nito ang lahat ng klase ng pagsulat.

Mayroong itong metal frame na may naka-attached na mechanical pen. Nakakapagsulat rin ito ng iba't ibang fonts at napaka-daling iset-up dahil ikokonekta lamang ito sa iyong computer gamit ang USB cable. 

Mayroon itong app na kapag sinulatan mo ay makokopya na nito ang iyong handwriting. Kaya rin nitong magsulat ng diretso sa loob ng 8 oras sa isang araw. Kaya hindi rin naman nakakapagtaka kung bakit natapos agad ng bata ang kanyang mga homework.

Nakatulong nga naman ito sa kanyang mga assignments at natapos ito sa loob lamang ng dalawang araw. 

Pero nagtaka ang kanyang ina kung bakit napakabilis matapos ng kanyang anak ang kanyang mga assignments at ang pagkakasulat pa nito ay napakalinis. 

Kaya naman noong nadiskubre ng ina na bumili ang kanyang anak ng isang copying robot ay galit na galit ito kaya sinira niya ang makina upang hindi na ito muling magamit.

Wika ng ina sa kanyang anak, "It can help you with homework, but can it help you on tests?

Oo nga at napagaan ang gawain ng kanyang anak, ngunit mas mabuti pa rin kung sariling pagsisikap ang iyong ginagawa para pag-aaral. 

Comments

Popular posts from this blog

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila