Estudyanteng Gumagawa ng mga Robot Mula sa mga Patapon at Lumang Karton, Hinangaan ng mga Netizens!


Sa panahon ngayon kung saan pataas na ng pataas ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan, maraming sa atin maging mga estudyante ang naghahanap ng mga bagay na pwede nilang pagkakitaan. Ang ilan nga sa kanila ay pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho para lang kumita ng pera. Ngunit kakaiba ang isang estudyanteng ito na kamakailan lang ay naging viral sa social media dahil sa kaniyang kakaibang libangan na kaniya ring pinagkakakitaan. 



Nakilala ang nasabing estudyante bilang si Sebastian Cacho. Gumagawa niya ng mga laruang robot o sasakyan mula sa mga patapon o di kaya naman ay hindi na ginagamit na mga karton sa kanilang bahay. 





Noong siya ay 13-taong gulang pa lamang ay kapansin-pansin na di umano ang pagkahilig niya sa mga robot at sasakyan hanggang sa isang araw ay nag-umpisa siyang gumawa ng sariling laruan na gawa sa mga karton. Simpleng mga laruan palang ang kaya niyang gawin noon ngunit habang tumatagal ay mas lalong nahahasa ang kaniyang talento at nakakagawa na siya ngayon ng mga action figures na talaga namang napakaganda. 


Ayon pa sa binata, natatapos niyang mabuo ang isang robot sa loob lamang ng apat na oras gamit ang pandikit, karton at kaniyang malawak na imahinasyon. 


“Maganda po itong libangan ng mga teenager tulad ko dahil imbes na magco-computer ka lang, sasayangin mo oras mo, ito na lang po magandang libangan,”pagbabahagi ni Sebastian. 




Ang mga gawang robot at sasakyan ay madalas ibahagi ng estudyante sa kaniyang social media account kung saan napakaraming netizens ang kaniyang napapahanga. Maliban sa mga papuring natatanggap niya online, ay naging sunod-sunod na rin ang pag-order ng ilang netizens sa kaniyang mga gawang laruan at sa kasalukuyan ay malaki-laki na rin ang kaniyang kinikita. 



Gayunpaman, hindi nawawala kay Sebastian ang paglalaan niya ng mas maraming oras para masigurong matataas ang kaniyang mga marka sa paaralan at ginagawa lang di umano ang mga action figures kapag mayroon siyang libreng oras. 


Talaga namang kamangha-mangha ang mga likha ni Sebastian at tunay ngang ang isang talento na laging hinahasa ay mas lalo pang gumaganda habang tumatagal.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!