Estudyanteng Namamamasukan sa 6 na Trabaho Habang Nag-aaral sa UP, Nakapagtapos ng Cum Laude




Isang binata ang ginapang ang kanyang pag aaral at naka pag tapos bilang cum laude sa University of the Philippines- Diliman noong linggo, June 30, 2019. Ang kanyang pangalan ay Leo Jaminola at meron siyang anim na trabaho habang nag aaral sa UP. Nag-tratrabaho si Leo bilang encoder, transcriptionist, library student assistant, tutor, writer at nag bebenta siya ng iba't ibang klase ng pag kain habang nag aaral siya sa kolehiyo. Kwento ni Leo sa kanyang Facebook post na noong nakatira pa lamang siya sa kanilang probinsya sa Mindoro, naalala niyang nag lalaro siya sa malapit sa mga estero at sa mga pansamantalang pabahay na gawa sa tarpauline.

Ayon pa kay Leo ang kanilang araw araw na pamumuhay sa komunidad nila ay tila parang paulit ulit na pelikulang luma na kung saan ay mahahalintulad sa puti at itim na kolor, ang kanilang komunidad ay talagang nakikipagbakbakan sa pang araw araw na laban mula sa kahirapan. Parte ang kaniyang pamilya sa komunidad na pinipilit itaguyod ang mga araw ng kanilang buhay. Ayon pa sa kaniya, wala silang sariling bahay dito, hindi nakakabayad din ng elektrisidad sa oras at pinagkakasya ang maliliit na kita mula sa mga pinapasukang trabaho ng mga magulang niya. 




Ang kanyang ama ay nag tatrabaho bilang isang messenger at hindi sapat ang sweldo nito para makabili at makakain sila ng tatlong beses sa isang araw kaya naman nag hanap ng trabaho si Leo at humingi ng tulong sa kanilang mga kamag anak. Dahil sa kakulangan sa oras, nag dusa ang kanyang pag aaral kung saan bagsak ang ilan sa kaniyang mga grado at ang iba naman ay pasang awa. Hindi na daw ito patungkol sa pagkuha ng matataas na marka o kaya ang pag-angat sa akademiko ngunit patungkol na lamang ito sa kung paano makakatapos. Sinubukan ni Leo na mag apply sa mga scholarship pero dahil hindi ganun kataas ang kanyang mga grado, hindi niya magawa makipag kumpetensya sa ibang mga estudyante na tutok lamang sa kanilang pag aaral.

Dahil sa kakulangan sa pera, nakaka uwi lamang si Leo pag tapos ng semestre at bumabalik sa Maynila kapag magsisimula na ang pasukan. Kinakailangan pa niyang kumatok sa pintuan ng kanyang mga kamag anak upang humingi ng tig bebente at limampung piso para ma kumpleto ang kanyang pamasahe pabalik ng Maynila. Dahil sa kanyang pag pupursiging matapos ang kanyang pag aaral, sinabi ni leo na gagawin niyang motivation ang kanyang mga pinag daanan sa buhay at ang kanyang edukasyon para makatulong sa komunidad.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya