Isang Aso Na Mukhang Tigre, Kinaaliwaan Ng Mga Netizens


Ayon nga sa kasabihan, "A dog is a man's bestfriend." Dahil bukod sa loyal na ang mga ito sa kanilang mga amo ay magaling pa silang taga-bantay at maamo. Ang bawat aso ay may kanya-kanyang breed. Pero ang isang asong ito ay nagviral sa social media dahil sa kakaibang itsura. 

Ang seaman na si Renz Degala Dariagan na bumabyahe pa-Vietnam ay nagbahagi ng larawan ng isang asong kulay brown na may itim na mga guhit-guhit sa buong katawan na nagmukhang tigre. Sa unang tingin ay mapapaisip ka kung aso nga ba o isang mabangis na hayop ang iyong kaharap.

Sa kasama sa kanyang post ay ang caption niya na:

"Kung sino man may-ari ng aso na ito, please lang muntik na akong atakihin sa bangs, paki-kulong naman."


Malamang ay nakakagulat nga talaga ito sa unang tingin dahil sa nakakalinlang nitong kulay. Hindi rin naman nabanggit o natiyak kung natural ba o kinulayan lamang ang balahibo ng aso upang magmukha itong parang tigre. 

Sa katunayan, mayroon naman talagang mga breed ng aso na mala-tigre ang itsura ng balahibo dahil sa mga guhit-guhit nito. Ngunit kung natural nga ang kulay ng asong ito ay talagang siya ay kakaiba. 

Samantala, kinaaliwan naman ito ng mga netizens sa social media at nagbigay ng iba't ibang komento tungkol dito:

"Ewan ko lang kung di ka talaga tumakbo dito."

"Sinong di matatakot jan, sa malayo palang tatakbo kana."

"Kinulayan ba to?"

"Wow, asong may laban."

"Kahit ako hihikain dyan. hahaha. Ano to safari?"

"Lalo na kapag tumakbo. Alam mo kasi pag ganyan mabilis tumakbo yan eh. lols."

"Hahaha. Tiger on the loose."
Hindi naman mukhang mabangis ang viral na aso, ngunit mas makakabuti pa rin kung maging responsable sa mga alagang hayop at tiyakin na hindi sila palaboy laboy sa mga daan at kalsada upang walang kapahamakang mangyari. 

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'