Kilala Niyo pa ba ang "Puppy Love" ni Anne Curtis na si Chubi Del Rosario Noon? Ito na ang Buhay Niya Ngayon!




Kung batang 90's ka, siguradong nasubaybayan mo ang love team nina Anne Curtis at Chubi del Rosario. Kung hindi naman, kilalanin natin ng bahagya kung sino itong dating aktor na di umano ay puppy love ni Anne Curtis. 




Si Robertino Emmanuel Chubi del Rosario o mas kilala bilang Chubi ay ipinanganak noong May 29,1984, sa Muntinlupa. 


Nag-umpisa siya sa mundo ng show business bilang katambal ni Anne Curtis sa palabas ng GMA 7 na T.G.I.S. Ayon sa ilang report, ang orihinal talagang katambal ni Chubi ay ang aktres na si Idelle Martinez ngunit dahil hindi ito tumuloy sa show ay pinalitan siya ni Anne Curtis. Ang tambalang ito ng dalawa ay kinagiliwan ng publiko kaya naman nagkaroon pa sila ng iba pang proyekto bilang "love team" kagaya na lamang ng "Ikaw Sana" noong taong 1997, Hati-Hating Kapatid" at "May Bukas Pa". 




Maraming TV viewers ang talaga namang kinilig sa tambalang Anne at Chubi dahil hindi lang sila "love team" sa mga palabas kundi pati rin sa totoong buhay. Aminado rin si Anne Curtis sa bagay na ito at sinabi pa sa isang interview na si Chubi ang kaniyang "unforgettable puppy love". 

"Ay, ‘yon talaga ang unforgettable puppy love ko. Talagang hindi ko ide-deny. Kasi siyempre, unang love team, unang mga duet together, mall shows," pag-amin ng aktres. 



Huling nakita sa telebisyon si Chubi noong 2003 nang mapasama siya sa palabas ng GMA 7 na "Ang Iibigin Ay Ikaw". Matapos nito ay tuluyan na ngang nilisan ng dating aktor ang mundo ng show business at nagsimulang mamuhay ng simple sa likod ng mga camera. Sa kasalukuyan ay nagmamay-ari siya ng isang event company at abalang-abala sa pag-aasikaso nito. Madalas rin siyang makikita bilang host ng iba't ibang events at patuloy na nagpapasaya ng mga tao sa paraan na gusto niya at kung saan siya masaya. 



Samantala, hindi man nagtagal ang kanilang relasyon ng aktres na si Anne Curtis at ngayon ay mayroon na silang kani-kaniyang buhay ay nananatili parin naman silang malapit na magkaibigan. 



"Kung ngayon ay mayroon tayong "love teams" kagaya ng KathNiel, LizQuen at Jadine, noon ang mga batang 90's ay mayroong CHUBI- ANNE," pagbibiro pa ni Anne Curtis sa isa niyang Instagram post.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya