Kinaaliwan Ang Mga Prenup Photos Ng Magkasintahang Ito Na Suot-Suot Lamang Ay Kahon


Nauso na sa panahon ngayon na bago ikasal ang magkasintahan ay magkakaroon muna sila ng mga prenuptial photoshoot. Kung sa ibang mga couples ay makikitang pabonggahan at pagarbohan ang kanilang mga suot-suot na damit ay ginawang simple at kakaiba naman ng magkasintahang ito. 

Naging viral sa social media ang mga larawang kuha ng photographer/filmmaker na si Dexter Eusebio dahil sa prenuptial photoshoot nina Jeffrey at Marivic. Makikita kasi na sa halip na magagandang damit ang suot ng dalawa ay mas pinili na lamang nilang magsuot ng kahon.

Kinuhanan ang mga larawan sa isang resort na kung saan makikitang nag-eenjoy at masaya ang couple kahit na ganoon lamang ang kanilang mga suot. 

Nais ipakita ni Eusebio sa kanyang mga kuha na hindi nasusukat sa salapi o kung anong ganda ng iyong suot ang tunay na pagmamahal. Kahit walang-wala na sila ay sa bandang huli ay pipiliin pa rin nila ang isa't isa. 

Ipinakita rin ng couple ang kanilang pagiging simple dahil bukod sa nakakahon lamang ang mga suot ay naka-paa lamang silang naglalakad lakad. Makikita ring nagsasalo pa silang dalawa sa pagkain ng mga streetfoods at masayang nagtutulak ng kariton. 

Ngunit maliban sa kakaiba at masayang pictorial na ito ay mayroon rin silang kuha na kung saan ipinakita nila ang kanilang eleganteng side. 



Natuwa naman ang mga netizens ng makita nila ang mga larawang kuha ni Eusebio at di napigilang magbigay ng kanilang mga komento. 

"Love the concept! Pinapakita lang na hindi importante ang magagarang mga damit at pumunta sa mga mamahaling lugar. What's really important is you're both happy and in love!"

"Ang cute. Nasa photographer na din ang magandang output e. Kahit anong ganda ng suot ng iba kung di magaling ang kumukuha wala din."

"Walang ka glamour glamour and yet napakaganda pa rin. Magta-transcend talaga ang pagmamahalan nila kahit ganyan yung outfit nila. A living proof na di kailangan ng magarbong ek ek at preparasyon para makuha ang pagmamahalan ng dalawang tao sa isa't-isa during prenup."

Comments

  1. Hehe wearing the carton is really a funny idea! Cool! - Sakit.info

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso