Kumpanya sa Quezon City, Pinagdiwang ang Family Day at Nirentahan ng Buo ang Enchanted Kingdom!




Ano ang pinaka malaki at pinaka magarbong nagawa sa iyo ng inyong kumpanya at sa iyong pamilya? Kung tatanungin mo ang mga empleyado ng isang kumpanya sa Quezon City, ang kanilang magiging sagot ay, ipinasara at ni rentahan nila ang buong Enchanted Kingdon noong isang linggo para mapasakanila ang buong theme park ng isang araw at di umani nag pa raffle pa ng isang brand new car.

Ang kumpanyang ito ay ang AFNI Philippines, isang BPO call center sa Quezon City. Ginunita nila ang kanilang Family Day na kung saan inimbita nila ang pamilya ng kanilang mga empleyado para sa isang araw sa Enchanted Kingdon. Humigit kumulang sa apat na libong empleyado kasama ang kanilang mga pamilya
ang nag enjoy sa isang araw na ekslusibo para lamang sa kanila at ang lahat ng ito ay libre.

Napaka swerte nga naman ng mga empleyado ng AFNI Philippines! Isipin mong makakasakay ka sa Space Shuttle, Rio Grande at sa lahat ng mga paborito mong rides sa Enchanted Kingdom ng hindi pumipila ng matagal at kasama mo pa ang iyong pamilya! Nag bigay din sila ng mga food coupons at roundtrip bus transfers para sa kanilang mga empleyado para siguraduhing hindi mag kakaroon ng problema ang kanilang mga empleyado na pumunta sa Enchanted Kingdon. Ang kailangan lang ay sumipot sila at mag enjoy.




Kasabay ng pag diriwang ng kanilang Family Day, nag pa raffle din ang AFNI Philippines para sa kanilang mga empleyado na kung saan namigay sila ng maraming mga pa premyo, mula sa mga gadgets at mga libreng concert tickets. At hindi lang iyon, namigay din sila ng limang brand new motorbikes at ang grand prize ay isang brand new car. Ang kilos na ito ay nag papakita na ang kanilang kumpanya ay handang gawin ang lahat sa pag bibigay sa kanilang mga empleyado.




Noong tinawag na ang mga winners ng raffle, makikita sa kanilang mukha ang saya habang nag lalakad patungo sa stage. Isipin mo ba naman na uuwi ka sa araw na iyon na may bago kang sasakyan! Noong inanusyo na ang nanalo ng grand prize, isang Toyota Wigo, makikita ang saya sa kanyang mukha noong tinatanngap na niya ang susi sa kanyang bagong brand new car! Ang sasakyang kanyang napanalunan ay hindi lamang makakatulong sa kanya kundi pati na rin sa kaniyang pamilya. At yun din ang hangarin ng AFNI Philippines kung bakit ginunita nila ang Family Day.

Ginugunita ng AFNI Philipines ang Family Day taon-taon. Noong mga nakalipas na Family Day, ipinag diwang nila ito sa pamamagitan ng pag renta ng mga resorts na kung saan imbitado din ang pamilya ng kanilang mga empleyado. At dahil sa palaki sila ng palaki ang kanilang kumpanya, ang Family Day ngayong taon ang pinaka magarbo at pinaka malaki nilang pinagdiwang.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso