Lalaki, Namigay ng 10,000 Bikes Para sa Mahihirap na Estudyante Upang Magamit Pag-pasok sa Eskwelahan




Maraming mga mahihirap na bata na kinakailangan mag lakad ng kilo-kilometrong layo para makapasok sa eskwelahan at ang karamihan sa mga batang ito ay matatagpuan sa bansa sa Asya. May ibang mga estudyante ang kina-kailangang akyatin ang mga bundok at tawirin ang mga ilog dahil sa kagustuhang makapag tapos na kanilang pag aaral at mag karoon ng magandang buhay.

Ganito ang sitwasyon sa bansang Myanmar at nakita ito ni Mike Than Tun pagkatapos niyang mag aral at umuwi mula Singapore ng labing pitong taon. Galing si Mike sa mayamang pamilya na kung saan nabigyan siya ng pribilehiyo na mag aral sa magandang paaralan. Nakita niya na maraming mga bata sa kanyang bansang pinagmulan ang nag hihirap upang makapasok sa eskwelahan araw araw. Dahil maraming siyang nakitang mga sirang bike sa Singapore pag katapos pumalya ng "bike sharing concept", na isip niyang pwede niyang tulungan ang mga kumpanyang may ari ng mga bike para ibigay ito sa mga bata na nag hihirap pumasok sa kanyang bansa sa Myanmar.





Dahil sa kanyang sweldo na natatangap mula sa kanyang tech company na binuksan sa Myanmar, sinimulan ng binatang si Mike na mag import ng mga bike mula sa Singapore, Japan, Taiwan at Netherlands. Dahil dito, makalipas ang ilang mga buwan ay nakabili siya ng sampung libong sirang bisikleta. Sinigurado ni Mike na maayos ang mga bike para sa mga bata. Kung meron man siyang nakitang sira, ay dali dali niya itong aayusin. Dinagdagan din niya ito ng mga back seat upang mai-angkas nila ang kanyang mga kaibigan o kapatid sa bike. Naibigay ang mga bike na ito mula sa non-profit organization na kanyang pinamumunuan na may pangalang, Less Walk (lesswalk.org).

Dahil sa dami ng mga estudyante na kinakailangan ng bisikleta sa Myanmar, ginawang unang layunin ni Mike na bigyan ang mga estudyanteng nasa Grade 7 hangang Grade 10. Salamat sa pag sisikap ni Mike at ng kanyang team, higit pa sa sampung libong estudyante ang may mas madaling paraan upang makapasok sa eskwelahan. Wala namang balak ihinto ni Mike ang kanyang magandang gawain at balak pa niyang mag dagdag ng mga bike sa abot ng kaniyang makakaya.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso