Sinorpresa Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Girlfriend Na Nagtatrabaho Bilang Isang Service Crew


Madami-dami na ngayon ang gumagawa ng iba't ibang estilo ng pagpo-propose sa kanilang mga kasintahan. At marami na rin ang gumawa na hinihingi nila ang kamay ng kanilang mga nobya kahit  na sila ay nakaharap pa sa maraming tao.

Ngunit ang mas nakaka-touch na proposal ay hindi naman nadadaan sa pabonggahan o pamahalan ng singsin. Basta't ito ay unique at totoo ay talaga namang mapapasagot ng matamis na "oo" ang kanilang pinakamamahal.

Magkahalong kilig at excitement ang natunghayan ng mga netizens matapos magpropose ang isang lalaki na si Dexter John Doseo Tuyan sa kanyang girlfriend na si Emily Dongue Beriong na nagtatrabaho bilang isang service crew sa isang sikat na fastfood chain sa Kidapawan City sa Davao.

Ayon sa kanyang post ay nagpanggap lamang siya na bibili ng pagkain habang ang kanyang nobya ang service crew na tatanggap ng order. Nang iniabot ng lalaki ang 500 pisong pambayad sa mga inorder ay nagulat na lamang ang dalaga dahil sa mga nakasulat sa loob ng pera. 

Kalakip kasi ng perang papel ay isa pang papel na may nakasulat na mga katagang "Will you marry me?" Hindi naman nag-alinlangan na sinagot agad ng babae ang kanyang nobyo ng kanyang matamis na "Oo."

Maraming netizens na naka-witnes ang natuwa at kinilig sa nasabing pangyayari lalo na pa't simple lang pero romantic at epektibo ang ginawang proposal ni Tuyan. Binati rin ng "congratulations" ang couple sa social media at makikita na nagpalit na rin sila ng status to "engaged" sa kanilang mga  sariling social media accounts.

May netizen na nag-suggest na sana ay gawan ng short film ng fastfood chain ang kanilang love story. At narito naman ang ilan pang mga komento ng mga netizens sa dalawa.

"How true naman ang saya ng buhay. May God Bless you and guides you always."

"Sweet naman ni kuya kay ate."

"Happy feeling ng couple. Forever be with you. Happy wedding soon."

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya