Tinaguriang 'Crazy Rich Filipino' na Mag-Nobyo, Ikinasal at ang Kanilang Bisita ay ang Boyce Avenue




Maaring ang lahat sa atin ay nakita na ang pelikulang Crazy Rich Asians at sasang-ayon tayo na ay pelikula ay talaga naming nakakamangha at engrande. Ang pelikula ay patungkol sa mayayaman na buhay ng isang Asian. Ngunit, isa sa mga bahagi ng pelikula ay ang pinaka engrande at tinatanyag na wedding of the year.

Ang buong pelikula ay umikot patungkol sa relasyon at kasalan nina Colin at Araminta, kaya naman ito talaga ang pinaka engrande kasal sa taon. Ang nasabing wedding ay talagang nakakamangha pagdatin sa arkitektura. Ginanap ito sa loob ng isang kapilya na may maliiit na hardin. Ang kasal ay walang masyadong dekorasyon ngunit pasabog naman ang marami nitong palamuting damo. Ang mga bisita ay naupo sa upuan na punong puno din ng halaman.




Habang naglalakad si Araminta ay may tubig na umaagos na nagmimistulang naglalakad siya sa tubig. Ang wedding na ito ay tinatanyag maaring humalaga sa 40 million na dollars. Ngunit, kung akala ninyo na ang ganitong kasalan lang ay nangyayari sa pelikula, hindi niyo aakalain na may ganito talaga. Isang totong mag nobyo ang kamakailan ay kinasal at nagmistulang crazy rich Asian ang kanilang kasal. Kilala ang mag nobyo na sina Sherly Vy isang beuty queen at Kevin Wong na isang businessman. 




Ang kanilang kasal ay ginanap sa Saint Jude sa Maynila, na puno ng palamuting bulaklak na mahahalintulad sa pelikula talaga. Ang former Chinatown titleholder din na bride ay naglakad sa mga likhang gown ni Ellie Saab na may halagang 7,500 to 27,000 sa dolyares. Habang ang kaniyang mga bridesmaids ay dinesenyo ni Elizabeth Hallie.

Ang kanilang wedding reception ay ginanap sa Solaire Ballroom kung saan ay mas tinaas nila ang kanilang lebel. Ang disenyo ay isang greek style garden na maraming bulaklak. Ang kanilang cake ay may taas na 11 feet at mayroon silang screens na may sukay na 5 meters by 29 meters na may 580 panels. Upang gawing mas engrande ang kasal din ay inimbitahan nila ang Boyce Avenue na tumugtog sa kanilang kasal at nagpresenta din ang Philharmonic Orchestra.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya