Aktres na si Karel Marquez, Nagbahagi ng Kaniyang Gatas sa Isang Premature Baby






Ang Pilipinas ay pumapangalawa sa mga bansa sa South East Asia na mayroong pinakamaraming bilang ng mga sanggol na ipinapanganak ng mas maaga kaysa sa normal na bilang ng buwan. Ang mga batang ito ay tinatawag na “premature babies” at nangangailangan sila ng masusing pangangalaga upang matulungang lumakas ang kanilang katawan at lumaking kagaya ng mga normal na bata. Isa ang gatas ng ina sa mabisang paraan upang mapabilis ang kanilang paggaling ngunit karamihan sa mga inang nagkakaroon ng “premature babies” ay hindi sapat ang nakokolektang gatas kagaya na lamang ng isang ina na nakilala sa social media bilang si Cesca Arivas. 


Ipinanganak ni Cesca ang sanggol na si Liam Skyler Rivas Edmonds noong ika-14 ng Agosto sa Cardinal Santos Medical Center ayon na rin sa mga impormasyon na kaniyang ibinahagi sa Instagram account. Nasa ika-35 na linggo at tatlong araw palang ng sanggol sa kaniyang sinapupunan nang ipanganak niya ito kaya naman kinailangan pa nitong magtagal sa hospital para masiguro ang kaniyang kaligtasan. 


Maliban dito ay nangangailangan din si Liam ng 10ml na gatas ng ina kada dalawa hanggang tatlong oras ngunit hindi sapat ang gatas ni Cesca. Sa kabutihang palad ay mayroon siyang isang butihing kaibigan sa katauhan ng dating aktres na si Karel Marquez na handang tumulong sa oras ng kaniyang pangangailangan.

“One message to Karel and she didn’t hesitate to share her milk stash with us. Thank you, love. We’re forever grateful.” Pasasalamat ni Cesca sa kaibigan."


Si Karel ay isa ring ina na mas pinipiling painumin ang kaniyang anak ng breastmilk dahil maliban sa malaki ang matitipid sa gastusin ay ito ang pinakamasustansiyang uri ng gatas para sa mga sanggol. 


May mga pagkakataon na sobra ang kaniyang gatas para sa pangangailangan ng kaniyang anak na si Kobe kaya naman itinatago niya ito sa isang espesyal na freezer upang hindi masira at magamit pa sakaling maubusan siya ng gatas. 


Magandang ideya din ito dahil maliban sa pangangailangan ng kaniyang anak ay nakakatulong din siya sa ibang sanggol na nangangailangan ng gatas ng ina kagaya na lamang ni Liam na anak ng kaniyang matalik na kaibigan.


“I have only about 42 bags of 150 to 250 ml frozen breastmilk that can last for a few days if I don’t nurse at all, but I know Kobe will be more than happy to share mama’s breastmilk, to make another baby stronger," pagbabahagi ni Karel sa kaniyang Instagram account."


Saludo kami sayo Karel at sa lahat ng ina na handang tumulong sa ibang sanggol at kapwa ina na nangangailangan.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!