Anak ng Isang Magsasaka sa Capiz, Naparangalan ng Worth 300k Dollars na Scholarship Dahil sa Kanyang Galing!




Amerika ang isa sa mga bansang nais mapuntahan ng iilan sa ating mga kababayan dahil na rin sa maunlad nitong ekonomiya na siyang makakapagbigay ng mas magandang oportunidad sa mga taong nangangarap makaahon sa hirap ng buhay. 

Isa na dito ang anak ng magsasaka na kamakailan lang ay naging viral sa social media dahil nasungkit niya ang isang presitihiyosong scholarship sa Amerika na nagkakahalaga ng $300,000 o humigi’t kumulang 15.7 milyon pesos!


Nakilala ang nasabing estudyante bilang si Aldrean Paul Elvira Alogon at lumaki siya sa Sigma, Capiz kasama ang ama na isang magsasaka at principal na ina. Kagaya ng tipikal na bata ay madalas makipaglaro si Aldrean sa kaniyang mga kaibigan ngunit hindi nito nakakaligtaan ang pagbabasa ng mga aklat lalo na at madalas siyang pumunta sa opisina ng kaniyang ina.



Ilan sa madalas niyang basahin ay ang mga encyclopedia at librong patungkol sa science kaya naman mas lalong nahasa ang kaniyang talino na nagamit siya sa pag-aaral at naging daan para itinanghal siyang valedictorian noong siya ay nasa elementarya pa lamang. 

Nagpatuloy ang kasipagan ni Aldrean sa pag-aaral at pagpupursigi na balang araw ay matutulungan niya ang kaniyang pamilya na makaahon sa hirap ng buhay. Noong highschool ay isa siya sa mga naging pambato ng kanilang paaralan sa mga kompetisyon sa kanilang probinsiya maging sa buong bansa hanggang sa mapabilang din siya sa hanay ng mga pambato ng bansa para sa mga international na kompetisyon. 




Sa katunayan ay kasama siya ng Philippine team na pumunta sa India at Thailand noong taong 2016 at 2017 para sa ginanap na International Olympiad on Astronomy and Astrophysics. Hindi man pinalad na manalo sa nasabing kompetisyon ay naging daan naman ito upang mas lalong lumawak ang kaniyang kaalaman at nagsilbi ring inspirasyon para mas lalo niyang pagbutihin ang pag-aaral.

Marami ang naniniwala sa talento at kakayanan ni Aldrean kaya naman hinikayat nila itong mag-apply sa prestihiyosong scholarship ng Freeman Asian Scholarship sa Wesleyan University, Connecticut. Sinubukan nga niya ang kaniyang kapalaran at napabilang sa labing-isang estudyante na maswerteng nakatanggap ng scholarship!

Saludo kami sa iyo Aldrean! Nawa ay patuloy kang maging inspirasyon sa kapwa mo kabataan na walang imposible sa pag-abot ng ating mga pangarap.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!