Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera


Bawat tao ay may kanya-kanyang paraan sa pagiipon ng pera. Mayroong mga naglalagay sa bangko,  naglalagay sa mga safety deposit box at hanggang ngayon ay mayroon pa ring gumagamit ng alkansya o piggy bank. 

Ngunit ang isang pamilyang ito ay nabunyag ang itinatagong sikreto ng ama matapos mabasag ng kanilang anak ang isang banga na naglalaman ng limpak-limpak na pera. 

Ang nasabing insidente ay naganap sa Guangxi sa China. Imbes na magalit ang ina sa kanyang anak dahil sa nabasag na vase sa kanilang tahanan ay tila lalo pa itong natuwa at nasiyahan. Umaga noon nang mag-iistretching sana ang kanilang anak sa sala ngunit aks!dente nitong natamaan ang display na vase. 

Dahil rito ay nabasag ang banga, at lumabas ang mga natatagong pera na nasa loob nito.

Wika ng ina na nakaupo siya noon sa kanilang kama ng marinig ang napakalakas na tunog mula sa kanilang sala. Dali-dali siyang tumakbo papalabas ng kwarto at bumungad sa kanya ang nabasag na banga na naglalaman ng napakaraming pera.

Sa oras na iyon ay tinext niya ang kanyang asawa at pinababalik ito sa bahay. At nang makita ng mister ang basag na banga ay nagbago ang ekspresyon nito sa mukha.

Saad ng misis na buong araw raw niyang binibilang ang mga pera na humigit sa 5,000 Yuan o nasa Php36,000 pataas ang halaga.

Napag-alaman nila na higit 13 taong iniipon iyon ng kanyang mister na sinimulan niya noong taong 2006 pa matapos nilang bilhin ang kanilang bahay.

"I saved this money from eating bihun. I don't know what to feel now." saad ng mister.

Hindi naman na pinagtakpan ng mister kung bakit hindi niya ipinaalam ang sikreto niyang ito noon sa kanyang misis. At sa kabilang palad naman ay hindi rin naman nagalit sa kanya ang kanyang asawa at sa halip natuwa pa sa nangyari. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!