Bagong Kasal, Ginamit Ang Kalabaw Bilang Kanilang Karwahe Sa Kasal



Kadalasan sa mga kasalan, inihahatid ang ikakasal gamit ang isang bridal car or di kaya ay isang napaka-eleganteng karwahe na hila-hila ng kabayo. Dito pa nga lang, minsan ay pabonggahan na dahil minsan mga mamahaling sasakyan pa o mga vintage car ang ginagamit.

Ngunit para sa bagong kasal na ito, hindi naging isyu kung ano pa man ang kanilang sinasakyan. Basta ang importante ay naihatid sila ng kanilang sinakyang kalabaw patungo sa reception.

Naging usapan sa social media ang newlyweds na ito na taga Iloilo dahil sa ginamit nila ay isang kalabaw bilang tagahila ng kanilang bridal carriage. 

Ang bagong mag-asawa sa Barangay Poblacion, Bingawan, Iloilo na sina Amfe Jane Gallaza at Martin Poulsen, isang Danish ay ikinasal noong July 13, 2019 sa Cubay Evangelical Church. At matapos ang wedding ceremony, ay isinakay sila sa isang carabao-drawn carriage.

Napaka-simple pero napaka-creative ang kanilang ginawang ideya dahil bibihira lamang ang mga ikinakasal na kalabaw ang gamit bilang taga-hila ng kanilang karwahe. 

Bilang sa kilala naman ang hayop na ito na malakas ay di naman nakakapagtaka na nahila nito ang karwaheng gawa sa kawayan na kung saan nakasakay ang bagong kasal. Pinalamutian lang ito ng mga bulaklak at ginawang bubong ang isang puting tela.

Isang lalaki naman ang nakasakay sa mismong kalabaw na siyang nag-ga-guide dito.
Sa mga ngiti ng mag-asawa ay tila nasiyahan naman sila sa kanilang ride kahit na mukhang mainit ang panahon lalo na pa't naka-gown ang bride at naka suot na pang-amerikana ang groom. 

Kinagiliwan naman ang mga larawan na naibahagi sa internet ng mga netizens dahil napaka-unique ng kanilang naisip na ideya. Marami rin ang bumati sa kanilang ng congratulations at nagbigay ng iba't ibang komento. Narito ang ilan.

"Wow! Very traditional, organic, walang utang, ipon ang kailangan. Hindi yung magka-gastos pa ng million hanggang magka-apo may utang pa rin."

"Yang ang tunay na Pinay. Pinakita niya sa mga kababayan niya na hindi siya nagbago."

"Natural na yan, noong panahon ng 60's ganyan ikakasal kasi hindi pa uso magagarang sasakyan."

"Wow beautiful wedding mas ok yang kalabas kesa sa magagarang sasakyan feel na feel mo ang pakikisaya ng mga tao dahil ibinagay mo lang naman sa lugar kasi kung bongga ang kasal mo maraming hindi makaka-dalo kasi mahihiya sa magagarang damit ng bisista eh kung simple maraming tao diba."

Samantala, isang netizen naman ang nagbigay ng joke tungkol dito.

"Sabi ng kalabaw: mas mabuti na lang to, buti nalang hindi nila naisipang ako ang katayin para ihanda sa kasal nila."

Comments

Popular posts from this blog

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan