Bata Nagviral Matapos Itong Mag-swimming Sa Baha Sa Labas Ng Kanilang Paaralan



Sa madalas na pag-ulan ngayon ay mayroong mga lugar na kung saan naiipon ang tubig. Kung ang iba ay sinusubukan ang lahat ng kanilang makakaya upang hindi lamang mabasa, mayroon namang isang bata ang nag-viral dahil sa pag-eenjoy niyong lumangoy langoy sa tubig ulan na naipon sa labas ng kanilang paaralan. 

Sa isang nakakatuwang Facebook post ng isang netizen na si Rozita Abdul Razak, ay ibinahagi niya ang isang batang lalaki na masaya at tila walang pakialam na lumalangoy-langoy sa tubig ulan na naipon sa isang school field. 

Ayon sa ina ng bata na si Rozita, naalarma siya ng ipatawag siya ng mga school authorities. At noong ireport sa kanya ay nalaman niyang nagsu-swimming pala at naglalaro sa baha ang kanyang anak.

Noong nakita niya ito ay laking gulat niya dahil mukhang masayang-masaya pa ang kanyang anak dahil parang nakalangoy ito sa isang swimming pool. 

Pinigilan pa diumano ng kanyang nakakatandang kapatid ang bata ngunit hindi talaga ito maawat at hinabol pa niya ito para lumayo ang kanyang kuya. Noong tinanong ng ina kung bakit siya nagswimming doon ay sinabi ng bata na, "Mum, you never take me to a pool!"

Tila ito ang unang pagkakataon na makalangoy ng bata sa tubig kaya naman imbes sa totoong pool siya lumangoy ay ginawa na lamang niyang swimming pool ang tubig sa labas ng kanilang eskwelahan.

Habang enjoy na enjoy siyang naligo sa tubig ulan ay pinagtitinginan at pinapanuod rin naman siya ng ibang mga tao ngunit tila wala talaga siyang pakialam.

Marami ang natuwa rito dahil ineenjoy lamang ng estudyante ang kanyang pagiging bata. Ngunit mayroong din namang nabahala sa kalugusan niya dahil maaaring puno ng bakterya ang tubig doon lalo na't nasa lupa. 

Samantala, noong magviral ito sa social media ay mayroong nag-alok sa kanila nang libreng island trip upang sila ay makapag-swimming sa totoong beach/ pool.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!