Batang Lalaki, Pumukaw sa Puso ng mga Netizens Matapos Makitang Yakap ang Isang Aso sa Habang Natutulog




Marami tayong mga nakikita na mga litrato at video na kung saan ay sinasaktan ang mga alagang hayop kagaya na lamang ng aso. Sa pang-araw araw naman ay marami tayong nakikitang mga palaboy na aso at pusa sa kalsada na kung saan ay wala silang mga permanenteng amo na maaring mag alaga sa kanila. Dahil dito, kinakailangan nalang nilang maghanap ng matutulugan at pagkain sa mga tabi-tabi kagaya na lamang din ng basurahan. Marami din ang mga nawawalan ng buhay dahil sa walang sapat na pagkain pang araw-araw.

Talamak din sa atin ang iligal na pagkatay ng mga ganitong hayop upang gawing ulam at ibenta. Pero lingid sa ating mga kaalaman, na sinusuklian ng mga aso na ito ang pagmamahal natin sa kanila at sila ay maasahan din natin sa ibang oras. Hindi binabase ng mga aso sa antas ng pamumuhay ng kanilang mga amo basta ipakita lang dito na mahal mo ito. 





Patunay ang litrato na ito tungkol sa mga aso. Nag trending kasi sa social media ang larawan na ito na nakuhanan ng isang netizen. Makikita na isang batang pulube ang natutulog sa bangketa habang hawak nito ang aso. Magkayakap ang dalawa sa pagtulog kaya naman naisipan ng netizen na kuhanan ito ng litrato at ibahagi sa social media.

Sa caption ng nagpost na si Gen Pilar, na touch siya dahil ang mga hayop na kagaya ng aso ay hindi tumitingin sa kung ano ang estado ng kaniyang amo. Nakakatuwa din dahil sa murang edad ng bata ay nakuha nito ang katapatan ng aso. Bagamat hindi siya pinalad sa pera, mapalad naman ito dahil may tapat na alaga siya na handa siyang samahan sa hirap at ginahawa. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera