Batas na Nagsasabing Bawal ng Gamitin ang Salitang 'Lapu-Lapu' para sa Ating Isda, Sinusulong na!




Iminunghiminungkahi ni Lapu-Lapu City Representative Paz Radaza ang isang panakulang batas na itigil na ang pag gamit ng lapu-lapu bilang isang pangalan ng isda dahil para sa kanya ay parang hindi na nirerespeto ang bayaning si lapu lapu. Isinampa ni congresswoman Paz Radaza ang isang House Bill 2223 or ‘An Act Rectifying the Dishonorable Use of a Great Filipino Name Lapu-Lapu to a Fish Species Plectropomus leopardus.’

Ayon sa pahayag, sinabi niyang napak ironic na tayong mga Filipino ay kinikilala si Lapu-Lapu bilang isang bayani, ngunit ginagamit din ang pangalang Lapu-Lapu sa isang isda na may scientific name na ‘Plectropomus leopardus’. Ang batas dawn a kanyang isinasampa ay para bigyan ng tamang hustisya ang isang magiting na pangalan na Lapu Lapu bilang isang bayani natin. 





Ayon sa batas na ito, responsibilidad ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Rexources (BFAR) of the Department of Agricultre (DA), ang dapat mamuno upang maisakatuparan ito. Para sa isda, sa halip na tawaging Lapu-Lapu, ay dapat nalamang tawaging "pugapo" (bisayang pangalan ng isda) ang isdang ito sabi ni congresswoman Paz Radaza.

Ayon pa kay Paz, maaring kasuhan din ang sinuman tumawag pa dito kapag ito ay naisakatuparan na. Kahit hindi sa Pilipinas at maging sa buong Southeast Asia. Dagdag pa niya, ang pagtawag daw kasi sa isda ng Lapu-Lapu ay parang hindi pagbibigay galang sa ating bayani. Hindi naman sineseryoso ng mga netizens sa social media ang batas na ito. 

Ayon sa ibang mga netizens, nasasa-tao yan kung paano natin papahalagahan ang ngalan na Lapu-Lapu, Bayani o ngalan ng isda man. Mayroon pang nagsabi na sana ang mga gumagawa ng batas ay magkaroon ng puso na tulungan ang ating bansa sa mga polisiya at batas na ipapataw na maaring makaapekto ng ekonomiya ng ating bansa upang sa ganon ay tumaas din ang mga morale ng ating mga kababayan. 

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya