Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman




Si Dayanara Torres Delagado ay isa lamang sa mga kilalang Beauty Queen na naging kontrobersiyal ang pagkakapanalo. Napanalunan niya ang korona sa ginanap na Miss Universe Pageant sa Mexico noong taong 1993. Marami ang umalma sa tagumpay na kaniyang nakamit dahil sa kaniyang edad at iba pang dahilan ngunit sa kabila nito ay nagdiwang pa rin ang mga tao sa Puerto Rico at sinalubong siya ng isang parada. 


Samantala, makalipas ang isang taon ay bumisit ng Pilipinas si Dayanara para sa 1994 Miss Universe Pageant na ginanap sa Manila. Matapos nito ay nakagawa pa siya ng pelikula kasama ang aktor na si Aga Muhlach at hindi naglaon ay nilisan na rin ang bansa para magpakasal sa kilalang mang-aawit na si Marc Anthony noong taong 2000. Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Ryan Anthony at Cristian Anthony. 




Masaya ang naging buhay ni Dayanara sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya ngunit nitong taon lang ay ginulat niya ang mga netizens sa hindi magandang balita na siya ay mayroong sakit na skin canc(e)r. 


“ Today I have some sad news… I have been diagnosed with skin canc(e)r ‘melanoma’ from big spot/mole I never paid attention to, even though it was new, it has been growing for years & had uneven surface," pagbabahagi ng beauty queen sa kaniyang social media account. 




Sa tulong ng kaniyang fiancé na si Louis d’Esposito ay sumailalim si Dayanara sa ilang pagsusuri at kinailangan niyang sumailalim sa operasyon upang matanggal ang mga bukol na kumalat na sa kaniyang tuhod. 

Sa kasalukuyan ay patuloy na aktibo sa social media ang dating beauty queen at ibinabahagi niya sa mga netizens kung papaano niya nilalabanan ang kaniyang sakit. 


Nakipaghiwalay man sa kaniya ang kaniyang fiancé ay malakas parin ang loob ni Dayanara dahil alam niyang hindi siya iiwan ng kaniyang dalawang anak at ibang miyembro ng kaniyang pamilya. 


“I have put everything in God’s hands & I know he has all control. My sons although a bit scared know about my faith and know they have a warrior of a mommy!”, dagdag pa ni Dayanara. 

Pinaalalahanan niya rin ang mga netizens na alagaan ang kanilang sarili at huwag balewalain nag mga mga sintomas ng malalang sakit upang magaamot ito agad at huwag ng lumala pa. 


“PLEASE, never forget to take care of yourself. If you see something or feel something different in your body have it checked.” 

Samantala, kasama ang napakaraming Pilipino sa mga taong nanalangin sa agarang paggaling ng dating beauty queen at umaasang balang-araw ay makakabalik ito muli sa bansa na taglay ang malakas at malusog na pangangatawan.

Comments

  1. We will pray for your fast recovery in Jesus name��We need to be strong for our family♥️♥️♥️

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!