Estudyante Lumikha Ng Palamuti Gamit Ang Recycled Na Basura At Ibinenta Ng Door to Door Para Sa Kanilang School Paper


Bibihira na lamang ngayon ang mga estudyanteng totoong masisipag na maglalaan talaga ng panahon at oras para sa ikakaganda ng kanilang paaralan. Kadalasan sa mga bata ngayon ay nagiging abala na lamang sila sa pagse-cellphone at gadgets at hindi na nagkukusang loob. 

Ngunit ang mga elementary students mula sa Babatngon, Leyte ay hinangaan ng mga netizens dahil sa pagtulong sa kanilang eskwelahan upang makapag-ipon ng pondo para sa kanilang school paper. 

Para magawa ang kanilang proyekto upang makalikom ng pera ay nangolekta ang mga bata at kanilang guro ng mga basyong plastic bottles na kanilang nilinisan at nirecycle. Matapos ay ginamit nila ang mga recycled materials na ito upang makagawa ng mga magagandang flower ornaments at mga alkansya.

Nangolekta rin sila ng mga lumang damit sa kani-kanilang mga kapamilya at kaibigan upang ang mga ito ay kanilang maibentang muli. 

Ang kanilang guro na si Shellarica Arinto ay ibinahagi ang mga larawan ng mga bata kasama ang kanilang natapos na proyekto. Ibinahagi rin na pumunta door-to-door ang mga bata upang maibenta ang mga items na ito sa kanilang mga kapitbahay. 

Samantala, hinangaan naman sa social media ang mga bata dahil sa pagiging creative at masipag para sa paglikom ng pera para sa kanilang school paper. Pinuri rin ang kanilang guro ng mga netizens dahil sa pagtuturo nito sa kanila sa pangangalaga ng ating kapaligiran habang nakakagawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang. 

Makikita naman sa mga bahay na kanilang mga napuntahan ay binibili nga ang kanilang mga likha dahil maaari nga naman itong pangdisenyo rin sa bahay. 

Narito naman ang mga komento ng ilang mga netizens tungkol dito.

"Two thumbs up to the teacher behind this amazing handcrafts."

"Good for them! I hope they make enough money for themselves."

"Very good work. Hope others do it."

Ang nasabing post naman ay na-feature rin sa CNN Philippines. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa