Estudyante, Nag-Viral Matapos Magdala ng Life-Size Standee ng Kaniyang Ina sa Graduation




Viral sa twitter ang isang kakagraduate na binata na si Paulo John matapos Siyang mag post ng larawan ng kanyang sarili suot ang kanyang graduation robe kasama ang isang life size cut out ng kanyang nanay. Dahil dito, umabot ng halos limang libo at anim na raan ang kanyang post mula sa mga netizens. Ayon kay Paulo, pangarap ng kaniyang nanay na makatapos ng pag-aaral ang lahat ng kaniyang mga anak at ito na nga, natapos na ang kaniyang panganay.

Ayon pa kay Paulo, sana daw ay napasaya niya ang kaniyang nanay kahit na kasama na nito an gating Panginoon. Nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Business Management si Paulo. Maraming mga naantig sa larawang binahagi ni John Paulo sa kayang twitter account kung saan ibinahagi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang ina.





Si John Paulo ay nakapag tapos mula sa Lyceum of the Philippines University sa Maynila. Kanyang binahagi na pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo kasama ang kanyang ina sa kanyang tabi. Ngunit, sa di inaasahang pang yayari, nawala ang kanyang ina noong taong 2016. Sinama ni Paulo ang standee ng kaniyang ina upang maramdaman daw nito ang kaniyang presensya dahil matagal ng pangarap ito ng kaniyang ina. 

Tiniyak ni Paulo na maging kasing tangkad ng kanyang ina ang pinagawa niyang standee na gawa sa styrofoam upang maging tugma sa tangkad ng kanyang ina na 5'2 ft. Dinala niya ang standee ng ina sa kanyang graduation para bigyang pugay ang kanyang ina. Ayon pa kay Paulo, single parent ang kaniyang ina. Pinag-aral nito si Paulo sa private school. Ang lahat ng mga gastusin ay mula sa kaniyang ina at sa tita nito na tumutulong sa kanila.

Comments

Popular posts from this blog

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan