Fresh na Fresh! Ito ang Bagong Look ni Claudine Barretto na Talaga Namang Ikinabata ng Kanyang Itsura!


Si Claudine Barretto ay bunso sa sikat na Barretto sisters at isa siya sa mga aktres na talaga namang nagpakita ng kakaibang talento sa pag-arte kagaya na lamang ni Judy Anne Santos na kaniyang malapit na kaibigan. Sa katunayan, kinilala ang kaniyang galing sa larangan ng show business at tinanghal bilang "Optimum Star".



Ganoon pa man, may pagkakataon sa buhay ni Claudine na mas pinili niyang makasama ang pamilya at mamuhay sa likod ng camera kaya naman hindi na siya madalas makita ng publiko sa telebisyon o sa mga sinehan. 

Ngunit kamakailan lang ay naging laman ulit siya ng usap-usapan sa social media nang kumalat ang ilang larawan kung saan makikita ang bago niyang imahe na ibang-iba sa nakasanayan ng karamihan. 


Maikli na kasi ang buhok ng aktres at halos hanggang dulo nalang ng tenga ang haba nito. Kinulayan din ito ng blonde at kinulot ng bahagya ang dulo kaya naman nagmukhang bagets ulit si Claudine.



Ang nasabing larawan ay ibinahagi ng celebrity make-up artist na si RB Chanco sa kaniyang Instagram account at mayroong caption na, 

“When dreams come true through pleasant surprises. With my ultimate idol, the optimum star [Claudine]. Finally.”

Agad naman itong sinagot ng aktres at nagpasalamat kay Chanco sa maganda nitong pakikitungo sa kaniya na nais niyang suklian sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang regalo.


“Aw. Thank you RB you’re the sweetest. Finally, I got to work with you and more to come”, komento ng aktres.


Samantala, halos lahat ng netizens at mga fans ay tuwang-tuwa sa new look ni Claudine at karamihan sa kanila ay nagsabing mas nagmukhang bata ito sa kaniyang bagong hair style. Maliban dito ay ginulat rin ng aktres ang publiko sa balitang mayroon siyang gagawing reunion project kasama ang batikang aktor na si Piolo Pascual. Hindi man nabanggit ang buong detalye ay siniguro ni Claudine na mangyayari ito sa ilalim ng direksiyon ng blockbuster director na si Direk Cathy Garcia-Molina.


Ikaw, anong masasabi mo sa new look ni Claudine Barretto?

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!